Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2020

Misis na wais: Motor nilagyan ng family picture para hindi makapang chiks si mister

  Larawan mula sa Facebook   Trending sa social media ang diskarte ng isang misis para walang maka-angkas na ibang babae sa motor ng kanyang mister sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang family picture sa kanilang motorsiklo. Marami sa ating mga Pilipino ang naka motor, dahil maliban sa sagot ito sa matinding trapik ay maganda rin itong pang porma. Kaya naman, ginagastusan talaga ito lalo na ng mga kalalakihan para maging mas astig ang porma at bihis ng kanilang pinaka mamahal na sasakyan. Ngunit, isang misis ang nanigurado para hindi magamit ng kanyang asawa ang kanilang motor bilang pang porma, lalo na at baka may babaeng gustong pormahan. Sa Facebook page na Buhay Lespu naka post ang naturang larawan ng Yamaha NMAX, isang model na may kamahalan pero maganda ang porma. Sa harap ng visor ng motor ay may naka lagay na malaking larawan ng kanilang pamilya.   “Tignan ko lang kung makapagsakay ka ng ibang babae,”  ayon pa sa caption ng Buhay Lespu, na may 28k shares na sa kasalukuyan. S

Top 2 sa Civil Engineer board exam nagtiis mag-aral sa maliit na mesa kasama ang alagang aso

Mga larawan ni Jeremy habang nag rereview para sa board exam mula sa Facebook post ni Emma Ikalawa sa naging top-notcher sa board ng November 2019 Civil Engineer (CE) ay nag aral sa humble at maliit na lamesa habang siya ang nagrereview. Salat man sa buhay at walang magarbong kwarto o tahimik at maluwang na aklatan ang top-notcher na si Jeremy Recinto Rifareal. Hindi ito nagging hadlang para makamit niya ang tagumpay. Sa isang post sa Facebook, ipinagmamalaki ng tiyahin ni Jeremy na si Emma Rifareal ang mapagpakumbabang lugar kung saan nag rereview ang kanyang pamangkin. Sa larawan, makikita si Jeremy na nakaupo sa tabi ng isang mesa na maliit na parang pang bata. Sa kanyang tabi naman ay isang pader na dinikitan niya ng kanyang notes at reviewers. "Sino mag-aakala na 'yun ganyan klase ng pagre-review ay magiging Board Topnocher TOP 2 sa Civil Engineering Licensure Examination Nov 2019."  Ayon sa post ng tiyahing si Emma. "Maliit na lamesa sa lapag nakaupo, mga revie

Dalagang allergic sa tubig, binahagi ang kalbaryong pinagdadaanan dulot nito

  Mga larawan mula sa Facebook at Instagram/Niah Selway Napakahirap ang pinagdadaanan ng isang dalaga dahil sa kanyang kakaibang kalagayan, kung saan ay hirap na hirap syang maligo dahil sa allergic reaction ng kayang balat sa tubig. Ipinakita sa video ng isang 19-anyos na dalaga ang araw-araw na kalbaryo na kanyang pinagdadaanan sa tuwing sya ay maliligo. Nakilala ang nasabing dalaga na si Niah Selway, isang Youtube vlogger, mula sa Engglatera.  Kalbaryo dulot ng allergy sa tubig Ayon kay Niah, nagsimula ang kanyang allergy nang siya ay limang taon pa lamang. Ngunit sa mga panahong iyon ay hindi pa gaano malala ang pangangati ng kanyang katawan. Ngunit di kalaunan habang siya ay nagdadalaga na. Dito na nagsimulang lumabas ang mga sanhi ng allergy gaya na lamang ng sobrang pangangati at pananakit ng buong katawan. Ito ay dahil sa sakit at sobrang kati na kanyang nakukuha dulot ng kakaibang kondisyon na tinatawag na "Aquagenic Pruitus". Kaya naman mabilisan lang kung maligo si