Skip to main content

Dalagang allergic sa tubig, binahagi ang kalbaryong pinagdadaanan dulot nito

 



Mga larawan mula sa Facebook at Instagram/Niah Selway


Napakahirap ang pinagdadaanan ng isang dalaga dahil sa kanyang kakaibang kalagayan, kung saan ay hirap na hirap syang maligo dahil sa allergic reaction ng kayang balat sa tubig.

Ipinakita sa video ng isang 19-anyos na dalaga ang araw-araw na kalbaryo na kanyang pinagdadaanan sa tuwing sya ay maliligo.

Nakilala ang nasabing dalaga na si Niah Selway, isang Youtube vlogger, mula sa Engglatera. 

Kalbaryo dulot ng allergy sa tubig

Ayon kay Niah, nagsimula ang kanyang allergy nang siya ay limang taon pa lamang. Ngunit sa mga panahong iyon ay hindi pa gaano malala ang pangangati ng kanyang katawan.

Ngunit di kalaunan habang siya ay nagdadalaga na. Dito na nagsimulang lumabas ang mga sanhi ng allergy gaya na lamang ng sobrang pangangati at pananakit ng buong katawan.

Ito ay dahil sa sakit at sobrang kati na kanyang nakukuha dulot ng kakaibang kondisyon na tinatawag na "Aquagenic Pruitus".

Kaya naman mabilisan lang kung maligo si Niah sa kanyang paliligo, kailangan ay hindi ito lalagpas ng limang minuto.

Ito ay dahil sa loob ng lima hanggang sampung minuto mula nang siya ay mag-umpisang mabasa, magsisimula nang sumakit at mangati ang buo nyang katawan.

Ang kanyang pangangati at pananakit ng katawan ay tumatagal ng hanggang tatlong oras bago humupa ang sakit.

 
Mga larawan mula sa Youtube at Instagram/Niah Selway

May lunas pa nga ba ang kondisyon ng dalaga

At kahit tuyo na ang kanyang katawan, patuloy pa rin ang pangangati ng kanyang balat na syang nagiging kalbaryo sa kanyang pang-araw araw na buhay.

Ang isa pa sa masaklap, ay di rin siya makaiyak dahil ang mga luha nya ay magiging sanhi din ng pagsumpong ng kanyang allergy.

Iniiwasan din ng dalaga na pagpawisan o kaya naman ay Mabasa ng ulan. Maging ang pag-aaply ng make up ay dapat walang water content ang nasabing brand.

Ingat na ingat na hindi Mabasa si Niah, labis na naaawa na sa kanya ang kanyang mga kaibigan at mga magulang dahil sa kanyang kondisyon.

Maging ang kanyang social life ay naapektuhan na kanyang kondisyon. Kaya nagpasya si Niah na ibahagi ang kanyang pinagdadaanan upang magsilbing kaalaman ito sa madla at huwag syang husgahan dahil dito.

Ang "Aquagenic Pruitus" ay isang kondisyon kung saan ang pagdikit o pagdampi ng tubig sa katawan ay nagbubunga ng matinding pangangati sa balat. kadalasan ay tumatagal isang oras at higit pa. ang nasabing kondisyon ay maaring namamana mula pa sa pamilya ng pasyente. 

Sa ngayon ay wala pang tiyak na lunas sa nasabing kondisyon. Maari lamang gawin ng taong mayroon nito ay i-manage lamang ang pangangati sa pamamagitan ng pagpahid ng topical ointment, anti histamine na syang pumipigil sa pangangati ng iba’t ibang parte ng katawan.


Comments

Popular posts from this blog

P7 milyong retirement na pinaghirapan ng 30-taon ng isang senior citizen halos malimas ng budol-budol

    Screencap photo from Youtube @ GMA 24 Oras Sa hirap ng buhay ngayon dahil na din sa pandemya na kinakaharap nating lahat, marami sa atin ang nawalan ng hanap buhay, kaya ang karamihan ay naghahanap ng alternatibong mapag kakakitaan. Habang ang iba naman ay abala sa panlilinlang sa iba. Kaya naman naglipana na naman ngayon ang mga taong mapag samantala at walang magandang hangarin sa kanilang kapwa, na imbes na kumayod ng marangal at magbanat ng buto ay mas napili pa ang manloko kapalit ang pinagtrabahahun ng ibang tao.  * Sa ulat ng GMA 24 Oras, isang 92-anyos na senior citizen mula sa Balagtas, Bulacan ang nawalan ng P7 milyon matapos mabiktima ng "Budol-budol" gang. Mabuti na lang at agad na nadakip sa isang entrapment operation ang suspek na saktong kausap pa ang matanda ng bangko hawak hawak ang pera ng matanda. Sa  ikinasang entrapment operation ng mga pulis nadakip ang isa sa mga suspek na si Anthony Jitula, 24, na miyembro umano ng budol budol gang na umaaligid sa

Teenager nasawi nang sumabog ang cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan

  Photo courtesy of Facebook/the hearty soul Usap-usapan sa social media ang masaklap na kinahantungan ng isang dalagita ang pumanaw kamakailan dahil sa sumabog ang kanyang cellphone habang siya ay natutulog. Ayon sa report ng Daily Mail, ang 14-anyos na dalagita ay nakilalang si Alua Asetkyzy Abzalbek mula sa Bastobe, Kazakhstan. Base sa imbestigasyon, natutulog na ang dalagita, ngunit nakikinig pa rin ito ng music mula sa kanyang cellphone. Nakasalpak ang earphones sa kanyang tenga habang naka-charge pa ang cellphone nito. Kaya naman walang maririnig na kahit anong distorbo ang dalagita. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alua ang panganib na pwede mangyari dulot ng kanyang kapabayaan. Bukod pa dito, nilagay pa niya ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan na siyang dahilan ng pag-overheat ng gadget. Pinaniniwalaang, umaga na raw nang mangyari ang pagsabog kaya kung ito ay naagapan, maaaring buhay pa sana si Alua. Sa katunayan, naka-plug pa rin sa saksakan ang charger ng cellphone na sumabo

Wala na ngang mapakain sa pamilya, karpintero pinagmulta pa ng P1k dahil sa paglabas sa araw ng Linggo

    Larawan mula sa Facebook post ni Cristel Ygona Nakaka lungkot isipin na sa gitna ng krisis sa pandemya na ating nararanasan ay marami sa ating mga kababayan ang nag hihikahos sa buhay. Ang iba sa atin ay halos isang kahig,isang tuka lang nabubuhay, walang naitabing pera na maaaring magamit sa oras ng pangangailangan o kagipitan man lang. Tulad na lamang ng kwento ng isa nating kababayan na ibinahagi ng isang concerned netizen na kanyang nakasabay sa pila sa kanilang munisipyo. Kwentong netizen, na si  Cristel Ygo├▒a noong Lunes, Agosto 10, sa Navotas City Hall. Habang naghihintay syang tawagin ang kanyang pangalan sa pila ng mga magbabayad sa traffic violation sa nasabing lungsod. May mga nakakausap syang mga kapwa nakapila at bawat isa sa kanila ay nagtatanong kung ano ang naging violation at magkano ang multa. Sinabayan na nila ang kwentuhan upang makalimutan ang pagka inip sa haba at dami ng nakapila. May ilang mga lalaki syang nakakausap ngunit bukod tangi ang isang lalaki na na