Skip to main content

Nanay na iniwan ng mga anak, natagpuan ng nagmalasakit na kapitbahay sa ilalim ng lababo

 


Photo courtesy of  Facebook @Kristine Vargas Tatad



Sa viral video na pinost ng isang concerned netizen na si Krisitne Vargas Tatad, kung saan makikita ang kapitbahay nilang isang matandang babae na walang saplot sa katawan, bedridden at naliligo sa kanyang sariling ihi at dumi. 

Talaga namang kalunos-lunos ang kalagayan ng matanda nang matagpuan nila ito sa ilalim ng lababo, hindi maka-kilos at dalawang araw na umanong iniwan ng mga anak sa abandonadang bahay at wala man lang pagkain na iniwan. *

Naiyak na lamang ang mama ni Kristine nang makita ang kaawa-awang matanda na humihingi ng saklolo sa kanila. Tinanong ng kanyang mama ang matandang nakahandusay sa ilalim ng lababo ay sinabing iniwan daw siya ng kanyang mga anak.

Ayon sa article ng KAMI, sinabi ng may-ari ng bahay na naglipat na raw umano ang mga anak ng paralisadong ina ngunit sa kasamaang palad, hindi nila isinama ang inang halos buto't balat na lang.

Mabuti na lamang at may nag-magandang loob pa rin kay nanay at nagawa syang sagipin ng kanilang kapit-bahay nang makita nila ito sa ilalim ng isang lababo.

Salamat na lang sa mabubuting kapitbahay ni nanay ng siya ring nag-upload ng video ng matanda sa social media.

Marami ang naantig sa kaawa-awang kalagayan ni nanay na masahol pa sa hayop ang pagtrato dito dahil iniwan na lang sa kabila ng ganoong kalagayan.*

Photo courtesy of  Facebook @Kristine Vargas Tatad



Nang pagkakita nilang mag-ina kay nanay, agad nila itong binalutan ng tela, dahil tinakpan lamang ito ng  isang plywood at container ng tubig sa tabi nito.

Sa kwento ni Kristine, dalawang araw na raw ang lumipas nang iwan si nanay roon ng mga anak na hindi man lang siya iniwanan ng makakain at hindi man lang dinamitan.

Agad nila itong nilinisan, pinakain at binihisan dahil hindi na talaga ito makagalaw dahil sa ilang araw na hindi ito nakakakain. Kung hindi pa agad ito Nakita nila Kristine ay maaring bawian na ito ng buhay.

Hinanap din nila agad ang mga anak ni nanay upang alamin kung bakit nila nagawang iwan mag-isa ang kanilang ina?

Sa tulong ng mga barangay ay natunton nila ang bagong nilipatan ng mga anak nito, agad daw na tumungo ang mga anak ng naiwang matanda at kasama ang asawa nito.*

Katwiran ng mga anak ni nanay, hindi raw nila ito pababayaan at sa katunayan pa nga ay babalikan naman daw nila ang ina pero inuna lamang muna nila ang mga kagamitan.
Ngunit agad itong sinagot ng sumaklolo sa matanda na hindi dapat gamit ang inuna nilang sininop kundi ang dapat ay ang kanilang ina muna ang inintindi.*

Sa panibagong post ni Kristine, makikitang maayos na ang kalagayan ng matanda at kiniuha na rin siya ng kanyang mga anak.

Sa pangambang baka ulitin muli ng mga anak ang pang-iiwan sa ina, nagpasya sila Kristine na humingi na ng tulong sa DSWD sa nilipatang lugar ng matanda upang masubaybayan ito.

Maraming netizen ang naantig  ang puso nang mapanood ang kaawa-awang kalagayan ni nanay. Sa kasalukuyan ay umabot na sa 2 million views ang nasabing video ni nanay.


Photo courtesy of  Facebook @Kristine Vargas Tatad


Bumahos naman ang tulong para kay nanay mula nang mag-viral ang post ni Kristine sa social media. Maraming netizen ang nagbigay ng kanilang saloobin hinggil dito:

God Bless sa Kapitbahay na namalasakit..buti pa ibang tao may awa pero ung mga anak nya parang wlang mga kaluluwa...

First of all magulang or family members first before any other stuff . It's an excuse .na hindi intention. Kasi wala n sila nakinabang sa ina . If the mother has pension for sure they will prioritize her first. What kind of a children you guys are . We do everything to our parents make them happy. . Worry less as much as possible.”*

Mga salbahe clang anak...mtapos clang bgyan ng buhay ng knilang ina...mas inuna p nila ang gamit kesa sa knila ina....god bless sa nk kita at tumulong...” 


Photo courtesy of  Facebook @Kristine Vargas Tatad



“Lahat gagawin ko wag ko lng masaktan ang kalooban o damdamin ng aking mga magulang..sapagkat inalagaan nila hanggang sa akoy lumaki..bilang ganti mamahalin ko sila ng higit sa buhay ko..

“Ang mga anak na tinatalikuran ang mga magulang ay hindi aasenso kailan man..


Narito naman ang buong post ng netizen na si Kristine Vargas Tatad sa kanyang Facebook:

July 7, 2020 12:30

Nangangatog ako sa pangyayaring ito, tinawag ako ng mama ko mula sa kwarto para magpatulong buhatin ung matanda nagdala sya ng tela , pagpunta namin dun sa paupahan ganito naabutan namin, bahay n mabaho at wala ng gamit at matandang babae na nakahiga sa ilalim ng lababo nakahubad at tinakpan ng plywood at 1 container ng tubig tinanung ni mama kung kumain na binigyan daw ng pagkain ng kapitbhay, umiiyak sya at sinabing iniwan sya , iyak ng iyak mama ko makita sitwasyon.*

Photo courtesy of  Facebook @Kristine Vargas Tatad


ang kwento ng nagpapaupa naglipat n daw mga anak nya 2days ago, at alam ko intensyon nilang iwan nanay nila doon ng nakahubad, walang pagkain sa ilalim ng lababo at takpan ng plywood, maririnig nyo sa video ang usapan , umuwe ung anak dahil nag message kami sa fb n my mga taga barangay na kaya dali daling umuwe isang anak at asawa netong kumag ,, 

ang sabi ng anak di nmn daw nila papabayaan nanay nila babalikan nmn daw nila kc inuna lng gamit sagot ko dapat nanay nyo inuna nyo hnd gamit, maniniwala ka bang babalikan pa nila eh 2days nilang iniwan at walang pagkain, walang kasama shit kayo! Sa background maririnig nyo habng kausap nmin ung anak nagsalita ung asawa, di mo kailangang magpaliwag, paliguan mo na. Maiiyak ka na lng talga bkit may mga ganyan tao. Sana mareport to sa brgy o kay #raffytulfo.

Pa share para sumikat itong mga walanghiyang mga anak at asawa.
Sumakit dibdib ko at tyan ko, nkaka stress.
Kayo na lng po humusga *

Photo courtesy of  Facebook @Kristine Vargas Tatad






Comments

Popular posts from this blog

P7 milyong retirement na pinaghirapan ng 30-taon ng isang senior citizen halos malimas ng budol-budol

    Screencap photo from Youtube @ GMA 24 Oras Sa hirap ng buhay ngayon dahil na din sa pandemya na kinakaharap nating lahat, marami sa atin ang nawalan ng hanap buhay, kaya ang karamihan ay naghahanap ng alternatibong mapag kakakitaan. Habang ang iba naman ay abala sa panlilinlang sa iba. Kaya naman naglipana na naman ngayon ang mga taong mapag samantala at walang magandang hangarin sa kanilang kapwa, na imbes na kumayod ng marangal at magbanat ng buto ay mas napili pa ang manloko kapalit ang pinagtrabahahun ng ibang tao.  * Sa ulat ng GMA 24 Oras, isang 92-anyos na senior citizen mula sa Balagtas, Bulacan ang nawalan ng P7 milyon matapos mabiktima ng "Budol-budol" gang. Mabuti na lang at agad na nadakip sa isang entrapment operation ang suspek na saktong kausap pa ang matanda ng bangko hawak hawak ang pera ng matanda. Sa  ikinasang entrapment operation ng mga pulis nadakip ang isa sa mga suspek na si Anthony Jitula, 24, na miyembro umano ng budol budol gang na umaaligid sa

Teenager nasawi nang sumabog ang cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan

  Photo courtesy of Facebook/the hearty soul Usap-usapan sa social media ang masaklap na kinahantungan ng isang dalagita ang pumanaw kamakailan dahil sa sumabog ang kanyang cellphone habang siya ay natutulog. Ayon sa report ng Daily Mail, ang 14-anyos na dalagita ay nakilalang si Alua Asetkyzy Abzalbek mula sa Bastobe, Kazakhstan. Base sa imbestigasyon, natutulog na ang dalagita, ngunit nakikinig pa rin ito ng music mula sa kanyang cellphone. Nakasalpak ang earphones sa kanyang tenga habang naka-charge pa ang cellphone nito. Kaya naman walang maririnig na kahit anong distorbo ang dalagita. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alua ang panganib na pwede mangyari dulot ng kanyang kapabayaan. Bukod pa dito, nilagay pa niya ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan na siyang dahilan ng pag-overheat ng gadget. Pinaniniwalaang, umaga na raw nang mangyari ang pagsabog kaya kung ito ay naagapan, maaaring buhay pa sana si Alua. Sa katunayan, naka-plug pa rin sa saksakan ang charger ng cellphone na sumabo

Wala na ngang mapakain sa pamilya, karpintero pinagmulta pa ng P1k dahil sa paglabas sa araw ng Linggo

    Larawan mula sa Facebook post ni Cristel Ygona Nakaka lungkot isipin na sa gitna ng krisis sa pandemya na ating nararanasan ay marami sa ating mga kababayan ang nag hihikahos sa buhay. Ang iba sa atin ay halos isang kahig,isang tuka lang nabubuhay, walang naitabing pera na maaaring magamit sa oras ng pangangailangan o kagipitan man lang. Tulad na lamang ng kwento ng isa nating kababayan na ibinahagi ng isang concerned netizen na kanyang nakasabay sa pila sa kanilang munisipyo. Kwentong netizen, na si  Cristel Ygo├▒a noong Lunes, Agosto 10, sa Navotas City Hall. Habang naghihintay syang tawagin ang kanyang pangalan sa pila ng mga magbabayad sa traffic violation sa nasabing lungsod. May mga nakakausap syang mga kapwa nakapila at bawat isa sa kanila ay nagtatanong kung ano ang naging violation at magkano ang multa. Sinabayan na nila ang kwentuhan upang makalimutan ang pagka inip sa haba at dami ng nakapila. May ilang mga lalaki syang nakakausap ngunit bukod tangi ang isang lalaki na na