Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2020

Dahil sinita ng isang matanda, babaeng walang face mask nagwala sa loob ng jeep

   Screencap photos from Facebook @Daniza Salvadora Isang video ngayon ang mabilis na nagviral sa social media, kung saan mapapanood ang video na kuha sa loob ng isang pampasaherong jeepney sa Cagayan de Oro City. Isang concerned netizen ang    nag-upload ng video na kinilalang si Daniza Salvadora na isa rin sa mga pasahero ng nasabing pampublikong jeep, sinita raw ng isang matandang babae na kapwa pasahero sa jeep ang katabing babae na walang suot na face mask.* Pero ayon kay Daniza, maayos ang pakikipag-usap ng matanda sa babae na kapwa pasahero na walang suot na face mask. Subalit, nagulat ang lahat na sa halip na humingi ito ng paumanhin ang babaeng walang face mask sa kapwa pasahero ay mapapanood ito sa video na nagagalit pa sa matandang nagmamalasakit. "One of the elderly nga passenger sa Jeep, politely reminder her na mag suot ug face mask,"  pahayag ni Daniza na uploader ng video. Marahil nag-alala lamang din ang matanda para sa sarili nya at gayun din sa iba pang pas

Teenager, kasama ang instructor nasawi sa Skydiving matapos hindi bumukas ang parachute

    Larawan ni Jeanna kasama ang kanyang lola | Larawan mula sa Daily Mail at Inquirer Ang isang 18-taong gulang na batang babae na mag sisimula pa lang sana sa kanyang unang taon sa kolehiyo ngayong Agosto ang pumanaw dahil sa isang skydiving accident sa United States. Dahil kasama ito sa kanyang bucket list, si Jeanna Renee Triplicata at ang kanyang lola ay nagplano na mag-skydiving.* Kasamang ni Jeanna na nasawi ang kanyang Skydiving instructor na sinasabing may karanasan naman sa nasabing extreme activity. Ayon sa ulat ng Atlanta Journal-Constitution noong Martes, Hulyo 14., sinagawa umano ng instructor ang tandem jump ngunit hindi na bumukas ang kanilang parachute. Ang mga magulang, kapatid, at kaibigan ng teenager ay sumama kay Triplicata at sa kanyang lola noong Linggo ng Hulyo 12, para panoorin sila. Ayon sa ulat, nakita pa daw ng mga kasama ng teenager na nag land ang parachute ng kanyang lola, ngunit nakita na lumapag sa lupa ang parachut ng mag-aaral. Ang ama ng teen na si J

Kahit ilog tatawirin! Mga guro sa Mindoro sumakay sa payloader upang makatawid, maibigay lang ang modules sa kanilang estudyante

     Screencap photos from Youtube @ABS-CBN Isa ang pagiging guro na masasabi nating napaka-marangal na propesyon, isa ito sa maibibilang natin na haligi sa pagtataguyod ng isang lipunan na maihahambing sa pagiging doktor, inhenyero, sundalo, abogado at iba pa. Una sa lahat, talagang hindi matatawaran ang dedikasyon ng mga guro maihatid lamang ang pinakamahusay na serbisyo sa abot ng kanilang makakaya. * Screencap photos from Youtube @ABS-CBN Kaya naman mataas ang tingin natin sa mga guro dahil nagsisilbing pangalawang magulang din natin sila noong tayo ay mga bata pa. Kaagapay ng ating mga magulang sa paghubog at paglinang ng ating kahusayan at kagandahang asal.  Madami ang sakripisyo ng pagiging isang guro, nakaatang sa kanila kung paano nila maibabahagi sa kanilang mga estudyante ang kaalaman na nais nilang ituro sa kanilang mag-aaral. Karamihan sa mga guro ay likas na may pagmamahal sa kanilang mga estudyante at itinuturing na nila itong mga anak sa loob ng classroom. Sa kabila ng

Panabong na manok ipinalit ng babae sa dalawang bucket na chicken joy, kinagiliwan ng netizens!

    Photos courtesy of  Facebook @Brigada News FM Bicol Dahil sa pandemyang dala ng coronavirus,    naging limitado ang kilos ng mga tao at di lang sa ating bansa maging sa buong mundo. Lalo pa at idineklara ang lockdown sa bawat lugar at ipinag bawal ang pakiki salamuha sa ating mga kapawa upang maiwasan na din ang pagkalat ng pandemya. Bunsod nito, labis na naging mahirap ang pamumuhay, maging ang pagsakay sa pampublikong transportasyon ay pansamantalang pinagbawal. * Walang magawa ang mga tao,kundi ang pumirmi sa kani-kanilang tahanan at tanging ayuda na lang mula sa gobyerno ang makakapagsalba sa pang-araw-araw. Ngunit marami sa ating mga kababayan ang hindi kuntento sa ganitong kalagayan. Likas kasi sa ating mga Pinoy ang talaga namang dumidiskarte ng mapagkakakitaan. Dahil dyan, nakakita ang marami sa ating mga kababayan ng pagkakakitaan na hindi na kailangan pang pisikal na magkita ang bawat isa. Tulad na lang ng on-line selling, na kung saan ay halos lahat ng tao sa buong mundo

Pinoy hero surfer Roger Casugay pararangalan ng Int'l Fair Play Award mula sa International Olympic Comittee

      Photos courtesy of UPSA and the Manila Standard Muli na namang sumikat ang Pilipinas sa buong mundo dahil sa kabayanihang ipinamalas ng ating Pinoy surfer na si Roger Casugay, dahil sa pagkilala sa kanyang pagsagip na ginawa sa kapwa katunggaling surfer noong nakaraang    30th Southeast Asian Games (SEAG) surfing completion na ginanap sa San Juan, La Union noong nakaraang Disyembre taong 2019.*   Kung ating matatandaan, si Roger ay kalahok sa nasabing palaro, at habang nasa kalagitnaan sila ng kompetisyon ng katunggaling Indonesian na si Arip Nurhidayat ay aksidente itong tinangay ng napakalakas na alon, at sya namang nakita ng ating Pinoy surfer. Imbes na magpatuloy si Roger sa kanyang surfing exhibition at abot palad na ang ginto, ay isina isang tabi nya ito at agad sinaklolohan ang tinangay na Indonesian surfer na kung hindi ito sinagip ni Roger, ay marahil nalunod na ito. Dahil sa insidente, hindi na nagawang makamit ni Roger ang kanyang Gold title, ngunit nagwagi naman ito s

Wala na ngang mapakain sa pamilya, karpintero pinagmulta pa ng P1k dahil sa paglabas sa araw ng Linggo

    Larawan mula sa Facebook post ni Cristel Ygona Nakaka lungkot isipin na sa gitna ng krisis sa pandemya na ating nararanasan ay marami sa ating mga kababayan ang nag hihikahos sa buhay. Ang iba sa atin ay halos isang kahig,isang tuka lang nabubuhay, walang naitabing pera na maaaring magamit sa oras ng pangangailangan o kagipitan man lang. Tulad na lamang ng kwento ng isa nating kababayan na ibinahagi ng isang concerned netizen na kanyang nakasabay sa pila sa kanilang munisipyo. Kwentong netizen, na si  Cristel Ygo├▒a noong Lunes, Agosto 10, sa Navotas City Hall. Habang naghihintay syang tawagin ang kanyang pangalan sa pila ng mga magbabayad sa traffic violation sa nasabing lungsod. May mga nakakausap syang mga kapwa nakapila at bawat isa sa kanila ay nagtatanong kung ano ang naging violation at magkano ang multa. Sinabayan na nila ang kwentuhan upang makalimutan ang pagka inip sa haba at dami ng nakapila. May ilang mga lalaki syang nakakausap ngunit bukod tangi ang isang lalaki na na

Binata, biglang inatake sa puso habang naglalaro ng on line game sa computer shop

    Screencap photos from GMA news and Youtube Ngayong may krisis sa pandemya, sari-saring mga aktibidad ang pinagbabalingan ng atensyon ng ating mga kababayan malabanan lang ang lungkot dahil sa pansamantalang pagbabawal lumabas ng bahay. Ang iba ay nag-aaral magbake, ang iba ay nag-eehersisyo, nagti-tiktok, nag-eenroll sa mga on line class at ang iba naman sa ay sa on line games nahu-humaling.* At dahil sa sobrang paglalaro ng sikat na online computer games ngayon, binawian ng buhay ang isang labing siyam na taong gulang na binata mula sa San Fabian, Pangasinan dahil umano sa atake sa puso. Ayon sa ama nitong si Samuel Biasura, labis ang kanyang pang hihinayang sa biglaang pagkamatay ng kanyang panganay na si Erwin Biasura, 19, bigla na lang umano itong natumba sa kina uupuan habang naglalaro ng on line game sa isang computer shop malapit sa kanilang bahay. Agad na isinugod pa si Erwin sa ospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay. Ayon sa mga doktor, atake sa puso ang ikina sawi ng

Isang millennial at dropped out sa kolehiyo mula sa Cotabato, nakita ang layunin at tagumpay sa pagsasaka

    Larawan ni Jerick mula sa Manila Bulletin    Sa ilang mga pamilya na naninirahan sa probinsya, karaniwan na ang kabuhayan ay pag sasaka, at ang mga magulang na magsasaka naman ay hinihikayat ang kanilang mga anak na ipagpatuloy ang pagpapaunlad sa kanilang sakahan.  Gayunpaman, halos lahat ng kabataan, lalo na sa panahon ngayon ay nais manirahan sa probinsya at gawin ang ganitong uri ng trabaho sa bukid. Mas marami ang nais na mag-aral at makipag sapalaran maghanap ng trabaho sa mga naglalakihang building sa mga siyudad. Hindi naiiba sa mga pangkaraniwan nais ng kabataan ngayon ang kwento ni Jerick Javier Clerigo na binahagi ng Manila Bulletin. Ayon sa kanya hindi siya mahilig sa pagsasaka noong siya ay mas bata sa kabila nang paghihikayat sa kanya ng kanyang mga magulang.  “I was being encouraged by my parents to engage in farming activities, but I really disliked farming.”  ayon kay Clerigo Kwento ni Clerigo, natuklasan niya ang kanyang interes sa pagsasaka matapos niyang mag dro

P7 milyong retirement na pinaghirapan ng 30-taon ng isang senior citizen halos malimas ng budol-budol

    Screencap photo from Youtube @ GMA 24 Oras Sa hirap ng buhay ngayon dahil na din sa pandemya na kinakaharap nating lahat, marami sa atin ang nawalan ng hanap buhay, kaya ang karamihan ay naghahanap ng alternatibong mapag kakakitaan. Habang ang iba naman ay abala sa panlilinlang sa iba. Kaya naman naglipana na naman ngayon ang mga taong mapag samantala at walang magandang hangarin sa kanilang kapwa, na imbes na kumayod ng marangal at magbanat ng buto ay mas napili pa ang manloko kapalit ang pinagtrabahahun ng ibang tao.  * Sa ulat ng GMA 24 Oras, isang 92-anyos na senior citizen mula sa Balagtas, Bulacan ang nawalan ng P7 milyon matapos mabiktima ng "Budol-budol" gang. Mabuti na lang at agad na nadakip sa isang entrapment operation ang suspek na saktong kausap pa ang matanda ng bangko hawak hawak ang pera ng matanda. Sa  ikinasang entrapment operation ng mga pulis nadakip ang isa sa mga suspek na si Anthony Jitula, 24, na miyembro umano ng budol budol gang na umaaligid sa

Grade 12 student na nagdedeliver ng pagkain gamit ang roller blades binigyan ng bisikleta ng isang TV host

    Mga larawan mula sa Facebook @ Gretchen Ho Matapos magviral ang larawan ng isang grade 12 student na food delivery service gamit lamang ang kanyang roller blades sa pagde deliver ng kanyang mga produkto sa Barangay Tunasan,Muntinlupa City. Kinilala ang nasabing food delivery boy na si Kean Arcilla Ramos, labing walong taong gulang ay labis na hinangaan dahil sa pagka maabilidad at madiskarte nito, upang maka tulong sa kanyang pamilya at matustusan ang may sakit na ama ngayong may krisis sa pandemya. * Kakaiba ang diskarte ng binatilyong ito, dahil kadalasan ay mga motorsiklo o bike ang karaniwang gamit ng mga delivery service, na mas pinili ni Kean na roller blades ang gamitin niya sa pagde-deliver ng ibinebenta ang sarili niyang produkto na coffee at chocolate jelly. At dahil sa nagviral nyang larawan, maraming netizens ang humanga sa grade 12 na astudyante at nais nilang magpahatid ng tulong sa binata. Isa na nga rito ang sikat na TV host, professional volleyball player at dating