Skip to main content

Binata, biglang inatake sa puso habang naglalaro ng on line game sa computer shop

   


Screencap photos from GMA news and Youtube


Ngayong may krisis sa pandemya, sari-saring mga aktibidad ang pinagbabalingan ng atensyon ng ating mga kababayan malabanan lang ang lungkot dahil sa pansamantalang pagbabawal lumabas ng bahay.


Ang iba ay nag-aaral magbake, ang iba ay nag-eehersisyo, nagti-tiktok, nag-eenroll sa mga on line class at ang iba naman sa ay sa on line games nahu-humaling.*


At dahil sa sobrang paglalaro ng sikat na online computer games ngayon, binawian ng buhay ang isang labing siyam na taong gulang na binata mula sa San Fabian, Pangasinan dahil umano sa atake sa puso.


Ayon sa ama nitong si Samuel Biasura, labis ang kanyang pang hihinayang sa biglaang pagkamatay ng kanyang panganay na si Erwin Biasura, 19, bigla na lang umano itong natumba sa kina uupuan habang naglalaro ng on line game sa isang computer shop malapit sa kanilang bahay.


Agad na isinugod pa si Erwin sa ospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay. Ayon sa mga doktor, atake sa puso ang ikina sawi ng binata.


Naabutan pa ng ama na naka higa ito sa sahig sa loob ng computer shop, at duon ay ginawa pa nitong irevive ang anak.*


Photos courtesy of GMA news and Facebook


“Pinuntahan ko dito wala ng pulso kasi. Ayun ginawa ko rin ‘yong magagawa ko para bumalik ‘yong pulso niya pero wala na,” ani Samuel.


Dagdag pa ng ama ni Erwin, palagi umano itong puyat at mayroon na ring karamdaman sa puso. Sa kautanayan nga raw ay umiinom na ito ng maintenance para sa sakit nito sa puso.

 

“Siguro na-excite siya sa paglalaro pero kasama na rin ‘yong puyat at tsaka ‘yong pagod kasi dito mainit kasi nasira electric fan,” dagdag pa ng ama.

 

Subalit napaalala naman ang mga doktor tungkol sa sobrang paglalaro ng on line games lalo na at may karamdaman tayo sa puso.

 

Ayon kay San Fabian Municipal Health Officer Dr. Jose Quiros, ang paog, hindi sapat ng tulog at sobrang emosyon ay maaring magdulot ng atake sa puso. *


Screencap photos from GMA news

“Bibilis ‘yong heart rate mo. Dapat iwasan mo ‘yong mga activity na nakakapagod at tsaka nakaka-excite,” pahayag ni Dr. Quiros.


Payo din ng nasabing doktor na importante na may palagi tayong sapat na tulog at pahinga lalo na sa mga taong mayroon problema sa kalusugan lalo na ang may mga sakit sa puso.


Hindi lang ito ang unang pagkakataon na napaulat na may nasawi dahil sa labis na paglalaro ng on line games lalo sa mga kabataan.


Samantala,maraming beses na ring napaulat ang mga nasasawi dahil sa paglalaro ng kinahu humalingang on line games ng mga kabataan sa ngayon.

 

Isa na rito ang isang binatilyo mula General Santos City, ang pumanaw dahil dito. Bagaman, huli na ng malaman ng kanyang pamilya ang tunay na dahilan.


Sabi ng mga doktor, hindi nakatulong sa kondisyon ng binatilyo ang palaging pagpupuyat at hindi pagkain ng tama dahil sa pagka humaling nito sa on line games na syang nakapag palala ng kondisyon nito. *


Base sa kwento ng kanyang mga magulang, simula ng magdeklara ng quarantine, ipinag bawal ang lumabas ng bahay kaya palagi na lang naglalaro ng on line games ang kanilang anak na labing limang taong gulang na si Ashton Kyle.


“Dun lang sya nag-focus sa paglalaro, palagi lang itong nakaupo o nakahiga lang habang naglalaro ng on line games sa kanyang cellphone, kung minsan pa nga ay nagagalit ito pag inuutusan.” Sabi ng ama ni Ashton.


Kalaunan ay napansin nila na bigla na lang naging matamlay ang anak, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na mayroon na palang malalang sakit na Leukemia si Ashton Kyle. 


Ang palagiang pagpupuyat at hindi pagkain ng tama dahil sa sa pagka humaling sa on line games ang syang lalong nakapag palala sa kondisyon ng binatilyo. *


“Ang sabi ng doktor ay nagkulang sya sa Oxygen, kulang sya sa platelets, kulang sya ng dugo, which is ang cause nun ay dahil sa puyat at dahil sa kulang ng exercise, kulang sya ng activities dapat ng mga bata.” Dagdag pa ng ama nito.


Halos isang lingo umanong naconfine sa ospital si Ashton Kyle ngunit kalaunan ay hindi na kinaya ng katawan nito at binawian na nga buhay.


Noon pa man ay nagpaalala na ang World Health Organization (WHO) na maituturing na mental health disorder ang video game addiction.


Mas makabubuti na gawin ng mga magulang na limitahan o bawasan ang screentime o paglalaro at may susundang schedule ang kanilang mga anak.


“As much as possible, i-maintain po natin ‘yung dating schedule. “yung nagigising pa rin po sa usual na oras natin sa umaga, kakain po tayo ng sabay-sabay, magsi serve tayo ng healthy na pagkain, and then, huwag pong magpupuyat.” Payo ng City Health Officer ng General Santos City na si Dra. Rochelle Gajete-Oco.


“Kung hindi po natin ime-maintain ‘yung dating schedule, tsaka yung proper health and nutrition natin, mas madali po tayong makakakuha ng sakit.” Dagdag pa ni Dra. Oco.

May mensahe naman ang ama ni Ashton Kyle sa kapwa nya magulang, “Kung mahal pa natin yung mga anak natin, please, huwag nyo nang hayaan pang lumala.”


Comments

Popular posts from this blog

P7 milyong retirement na pinaghirapan ng 30-taon ng isang senior citizen halos malimas ng budol-budol

    Screencap photo from Youtube @ GMA 24 Oras Sa hirap ng buhay ngayon dahil na din sa pandemya na kinakaharap nating lahat, marami sa atin ang nawalan ng hanap buhay, kaya ang karamihan ay naghahanap ng alternatibong mapag kakakitaan. Habang ang iba naman ay abala sa panlilinlang sa iba. Kaya naman naglipana na naman ngayon ang mga taong mapag samantala at walang magandang hangarin sa kanilang kapwa, na imbes na kumayod ng marangal at magbanat ng buto ay mas napili pa ang manloko kapalit ang pinagtrabahahun ng ibang tao.  * Sa ulat ng GMA 24 Oras, isang 92-anyos na senior citizen mula sa Balagtas, Bulacan ang nawalan ng P7 milyon matapos mabiktima ng "Budol-budol" gang. Mabuti na lang at agad na nadakip sa isang entrapment operation ang suspek na saktong kausap pa ang matanda ng bangko hawak hawak ang pera ng matanda. Sa  ikinasang entrapment operation ng mga pulis nadakip ang isa sa mga suspek na si Anthony Jitula, 24, na miyembro umano ng budol budol gang na umaaligid sa

Teenager nasawi nang sumabog ang cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan

  Photo courtesy of Facebook/the hearty soul Usap-usapan sa social media ang masaklap na kinahantungan ng isang dalagita ang pumanaw kamakailan dahil sa sumabog ang kanyang cellphone habang siya ay natutulog. Ayon sa report ng Daily Mail, ang 14-anyos na dalagita ay nakilalang si Alua Asetkyzy Abzalbek mula sa Bastobe, Kazakhstan. Base sa imbestigasyon, natutulog na ang dalagita, ngunit nakikinig pa rin ito ng music mula sa kanyang cellphone. Nakasalpak ang earphones sa kanyang tenga habang naka-charge pa ang cellphone nito. Kaya naman walang maririnig na kahit anong distorbo ang dalagita. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alua ang panganib na pwede mangyari dulot ng kanyang kapabayaan. Bukod pa dito, nilagay pa niya ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan na siyang dahilan ng pag-overheat ng gadget. Pinaniniwalaang, umaga na raw nang mangyari ang pagsabog kaya kung ito ay naagapan, maaaring buhay pa sana si Alua. Sa katunayan, naka-plug pa rin sa saksakan ang charger ng cellphone na sumabo

Wala na ngang mapakain sa pamilya, karpintero pinagmulta pa ng P1k dahil sa paglabas sa araw ng Linggo

    Larawan mula sa Facebook post ni Cristel Ygona Nakaka lungkot isipin na sa gitna ng krisis sa pandemya na ating nararanasan ay marami sa ating mga kababayan ang nag hihikahos sa buhay. Ang iba sa atin ay halos isang kahig,isang tuka lang nabubuhay, walang naitabing pera na maaaring magamit sa oras ng pangangailangan o kagipitan man lang. Tulad na lamang ng kwento ng isa nating kababayan na ibinahagi ng isang concerned netizen na kanyang nakasabay sa pila sa kanilang munisipyo. Kwentong netizen, na si  Cristel Ygo├▒a noong Lunes, Agosto 10, sa Navotas City Hall. Habang naghihintay syang tawagin ang kanyang pangalan sa pila ng mga magbabayad sa traffic violation sa nasabing lungsod. May mga nakakausap syang mga kapwa nakapila at bawat isa sa kanila ay nagtatanong kung ano ang naging violation at magkano ang multa. Sinabayan na nila ang kwentuhan upang makalimutan ang pagka inip sa haba at dami ng nakapila. May ilang mga lalaki syang nakakausap ngunit bukod tangi ang isang lalaki na na