Skip to main content

Grade 12 student na nagdedeliver ng pagkain gamit ang roller blades binigyan ng bisikleta ng isang TV host

   

Mga larawan mula sa Facebook @ Gretchen Ho



Matapos magviral ang larawan ng isang grade 12 student na food delivery service gamit lamang ang kanyang roller blades sa pagde deliver ng kanyang mga produkto sa Barangay Tunasan,Muntinlupa City.


Kinilala ang nasabing food delivery boy na si Kean Arcilla Ramos, labing walong taong gulang ay labis na hinangaan dahil sa pagka maabilidad at madiskarte nito, upang maka tulong sa kanyang pamilya at matustusan ang may sakit na ama ngayong may krisis sa pandemya. *


Kakaiba ang diskarte ng binatilyong ito, dahil kadalasan ay mga motorsiklo o bike ang karaniwang gamit ng mga delivery service, na mas pinili ni Kean na roller blades ang gamitin niya sa pagde-deliver ng ibinebenta ang sarili niyang produkto na coffee at chocolate jelly.


At dahil sa nagviral nyang larawan, maraming netizens ang humanga sa grade 12 na astudyante at nais nilang magpahatid ng tulong sa binata.


Isa na nga rito ang sikat na TV host, professional volleyball player at dating PBB celebrity edition housemate na si Ms. Gretchen Ho.


Binigyan ni Gretchen Ho si Kean ng bagong bisekleta na magagamit nya sa pagde deliver ng kanyang mga produkto. 


Si Kean din ang kauna unahang nabigyan ng bike mula sa bagong charity project ni Ho para sa ating mga nagtatrabahong frontline workers sa gitna ng krisis sa pandemya. *


Larawan mula sa Facebook


Layon ng proyekto ni Ho na may magamit ang ating mga frontliners na pumapasok sa kani kanilang mga trabaho sa kabila na hirap ang mga ito sa pagba byahe dahil na rin sa lockdown.


Ang proyekto ni Ho sa tulong na din ng mga dating kasamahan nito sa professional volleyball ay nagtatag ng isang charity drive na tinatawag na Women in Action Project (WAP).


Mamimigay ang WAP ng 50 libreng bisekleta sa mga deserving beneficiaries na mga empleyado at frontline workers  na naapektuhan sa kanilang mga paghahanap buhay dahil sa krisis sa tranportasyon.


Matatandaan na si Kean ay ang grade 12 student na naghangad na makatulong sa kanyang pamilya lalo pa at may sakit ang kanyang ama na siya at ang kanyang nakakatandang kapatid ang naghahanap buhay para sa kanilang mag anak.


Bagaman, tumutulong din ang kanyang kuya na isa ring grab food delivery rider, ngunit ang kanilang ama ang pangunahing naghahanap buhay para sa kanilang pangangailangan. *


Mga larawan mula sa Facebook @Gretchen Ho


Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, ay biglang nagka sakit sa prostate ang kanilang ama at wala pa namang pasok sa kanilang paaralan, kaya nagpasya ito na samantalahin ang pagkakataon na kumita kahit sa maliit na paraan.


"Nagsimula po ako sa pagdedeliver ng aking mga produkto gamit ang sarili kong pera, kasi natigil tatay ko sa pagbiyahe. walang magbabayad ng aming bills, at tambak na kami simula noong mag-lockdown," kuwento ng Grade 12 student.


“Ako po ay nag bebenta ng coffee at Chuckie jelly upang makatulong sa tatay kong may sakit (enlargement of prostate) na naka-catether at hindi makakapag trabaho,” ani Kean sa panayam sa kanya.


Dahil sa walang ibang magamit na sasakyan si Kean at hindi pa ito maaring magmaneho, kaya naisip niyang gamitin ang roller blades na napulot ng kaaniyang tita mula Singapore. *


Mga larawan mula sa Facebook @Cherry Arcilla Ramos



"I really thought of this business to help my father. But then sobrang hirap po dinanas ko noong una. Sobrang demotivated 'pag nare-reject and walang bumibili," dagdag pa ni Ramos.


Gayun pa man, hindi pa rin siya tumigil sa pagbebenta ng kanyang produkto. "Tinatagan ko po loob ko, nag-alok alok po ako," aniya.


Sobrang proud sa kanya ang kanyang ina na si Cherry Arcilla Ramos, habang naka roller blades karga karga ang hiniram na Grab food bag ng kanyang ama, at inupload ito sa social media.


Kinuhanan siya ng larawan ng kaniyang ina habang nagde-deliver gamit ang roller blades. Nag-viral ang mga ito sa social media kaya dumami ang mga bumibili sa kaniyang mga produkto.


"Si mama kasi mahilig mag-picture 'yan sa'kin po dahil proud po 'yan sa mga ginagawa ko. Nainis pa nga po ako 'pag pini-picturan ako niyan tapos ia-upload sa Facebook," ani Ramos. *


Mga larawan mula sa Facebook @Cherry Arcilla Ramos



Nilinaw din ni Ramos, na ang tatay niya at nakatatandang kapatid ang nagtatrabaho sa Grab. Ginamit lang umano nya ang bag para may paglagyan ng kaniyang produktong coffee at chocolate jelly.


Sa ngayon, ay umaabot na sa halos apat na libong shares ang larawan ni Ramos at naging laman din ito ng iba't ibang balita sa social media.

Comments

Popular posts from this blog

P7 milyong retirement na pinaghirapan ng 30-taon ng isang senior citizen halos malimas ng budol-budol

    Screencap photo from Youtube @ GMA 24 Oras Sa hirap ng buhay ngayon dahil na din sa pandemya na kinakaharap nating lahat, marami sa atin ang nawalan ng hanap buhay, kaya ang karamihan ay naghahanap ng alternatibong mapag kakakitaan. Habang ang iba naman ay abala sa panlilinlang sa iba. Kaya naman naglipana na naman ngayon ang mga taong mapag samantala at walang magandang hangarin sa kanilang kapwa, na imbes na kumayod ng marangal at magbanat ng buto ay mas napili pa ang manloko kapalit ang pinagtrabahahun ng ibang tao.  * Sa ulat ng GMA 24 Oras, isang 92-anyos na senior citizen mula sa Balagtas, Bulacan ang nawalan ng P7 milyon matapos mabiktima ng "Budol-budol" gang. Mabuti na lang at agad na nadakip sa isang entrapment operation ang suspek na saktong kausap pa ang matanda ng bangko hawak hawak ang pera ng matanda. Sa  ikinasang entrapment operation ng mga pulis nadakip ang isa sa mga suspek na si Anthony Jitula, 24, na miyembro umano ng budol budol gang na umaaligid sa

Teenager nasawi nang sumabog ang cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan

  Photo courtesy of Facebook/the hearty soul Usap-usapan sa social media ang masaklap na kinahantungan ng isang dalagita ang pumanaw kamakailan dahil sa sumabog ang kanyang cellphone habang siya ay natutulog. Ayon sa report ng Daily Mail, ang 14-anyos na dalagita ay nakilalang si Alua Asetkyzy Abzalbek mula sa Bastobe, Kazakhstan. Base sa imbestigasyon, natutulog na ang dalagita, ngunit nakikinig pa rin ito ng music mula sa kanyang cellphone. Nakasalpak ang earphones sa kanyang tenga habang naka-charge pa ang cellphone nito. Kaya naman walang maririnig na kahit anong distorbo ang dalagita. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alua ang panganib na pwede mangyari dulot ng kanyang kapabayaan. Bukod pa dito, nilagay pa niya ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan na siyang dahilan ng pag-overheat ng gadget. Pinaniniwalaang, umaga na raw nang mangyari ang pagsabog kaya kung ito ay naagapan, maaaring buhay pa sana si Alua. Sa katunayan, naka-plug pa rin sa saksakan ang charger ng cellphone na sumabo

Wala na ngang mapakain sa pamilya, karpintero pinagmulta pa ng P1k dahil sa paglabas sa araw ng Linggo

    Larawan mula sa Facebook post ni Cristel Ygona Nakaka lungkot isipin na sa gitna ng krisis sa pandemya na ating nararanasan ay marami sa ating mga kababayan ang nag hihikahos sa buhay. Ang iba sa atin ay halos isang kahig,isang tuka lang nabubuhay, walang naitabing pera na maaaring magamit sa oras ng pangangailangan o kagipitan man lang. Tulad na lamang ng kwento ng isa nating kababayan na ibinahagi ng isang concerned netizen na kanyang nakasabay sa pila sa kanilang munisipyo. Kwentong netizen, na si  Cristel Ygo├▒a noong Lunes, Agosto 10, sa Navotas City Hall. Habang naghihintay syang tawagin ang kanyang pangalan sa pila ng mga magbabayad sa traffic violation sa nasabing lungsod. May mga nakakausap syang mga kapwa nakapila at bawat isa sa kanila ay nagtatanong kung ano ang naging violation at magkano ang multa. Sinabayan na nila ang kwentuhan upang makalimutan ang pagka inip sa haba at dami ng nakapila. May ilang mga lalaki syang nakakausap ngunit bukod tangi ang isang lalaki na na