Skip to main content

Pinoy hero surfer Roger Casugay pararangalan ng Int'l Fair Play Award mula sa International Olympic Comittee

    

Photos courtesy of UPSA and the Manila Standard

Muli na namang sumikat ang Pilipinas sa buong mundo dahil sa kabayanihang ipinamalas ng ating Pinoy surfer na si Roger Casugay, dahil sa pagkilala sa kanyang pagsagip na ginawa sa kapwa katunggaling surfer noong nakaraang  30th Southeast Asian Games (SEAG) surfing completion na ginanap sa San Juan, La Union noong nakaraang Disyembre taong 2019.*

 

Kung ating matatandaan, si Roger ay kalahok sa nasabing palaro, at habang nasa kalagitnaan sila ng kompetisyon ng katunggaling Indonesian na si Arip Nurhidayat ay aksidente itong tinangay ng napakalakas na alon, at sya namang nakita ng ating Pinoy surfer.


Imbes na magpatuloy si Roger sa kanyang surfing exhibition at abot palad na ang ginto, ay isina isang tabi nya ito at agad sinaklolohan ang tinangay na Indonesian surfer na kung hindi ito sinagip ni Roger, ay marahil nalunod na ito.


Dahil sa insidente, hindi na nagawang makamit ni Roger ang kanyang Gold title, ngunit nagwagi naman ito sa bawat puso ng mga nakasaksi at tunay na hinangaan ng buong mundo dahil sa ipinamalas na kagitingan at kabayanihan.


Pati ang Indonesian President na si Joko Widodo pinuri si Casugay dahil sa pagpapamalas ng pagiging tunay na sportsmanship dahil sa pagtulong sa katunggaling nanganganib ang buhay. *


Photos courtesy of Quartz and Tribun Bali

 

At ito ngang Oktubre 27, ay bibigyan ng isang napakataas na pagkilala sa mundo ng palakasan, ang prestihiyosong Pierre de Coubertin Act of Fair Play Award na magmumula sa International Fair Play Committee.


Si Roger Casugay, 26 anyos na mula din sa bayan ng San Fernando, La Union ay ang kauna-unahang Pilipino na makaka tanggap ng isa sa pinaka respitadong pagkilala sa mga piling atleta na hango mula sa tinaguriang father of the Olympic games at founder ng International Olympic Committee (IOC) na si Pierre de Coubertin, na kung papalarin ay maaring ganapin sa Monaco.


Nagpahayag naman ng paghanga at pasasalamat ang Phillipine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez ang ginawang pagkilala ng International Olympic Committee sa ating kababayang surfer na si Casugay, dahil sa kanyang kabayanihan. Tunay na ipinagmamalaki sya at karangalan ng ating bansa. *


“We are very proud of Roger because he has truly exemplified the true meaning of being a Filipino and a sportsman. Above all, it is a more fulfilling achievement to be recognized for his character than skills and achievements,” ani Ramirez.


“Eight months after the Sea Games, we are still feeling the pride that our national athletes achieved for the Filipino people.” anito


“Truly, sports is an advocacy that keeps on giving.” dagdag pa ng PSC Chairman.


Nabalitaan ng International Surfing Association (ISA) ang kabayanihan ni Casugay. ang ISA ay syang namumuno sa buong mundo sa larangan ng surfing, at nito ngang Martes ay ipina abot ni Alex Reynolds, manager ng ISA ang balita sa United Philippine Surfing Association (UPSA) President Raul Canlas, na bibigyan ng Fair Play award mula sa CIFP si Casugay. *

Photos courtesy of UPSA

 

"It is nice to recognize an athlete not only for his athletic skills but also for his humanity," ipnagmamalaking pahayag ni  UPSA President Raul Canlas.


"Holding surfing during the Southeast Asian Games is a milestone event. It paved the way for the ISA to recognize the region and allowed Roger to be also recognized." ani Canlas.


Nagawang isakripisyo ni Casugay ang medalyang ginto sa nakaraang 30th Sea Games para lang isagip ang katunggaling Indonesian.


Kaya naman napagpasyahan ng Sea Games Organizers na ulitin ang nasabing kumpetisyon at kalaunan nga ay nagwagi ang ating kababayan.


Naging Philippine flag bearer si Casugay at pinarangalan din ng “Fair Play” award sa closing ceremonies ng magtapos ang 30th Sea Games na ginanap sa New Clark City sa Capas, Tarlac nitong Disyembre 2019. 


Inilunsad ang Surfing sa bansa sa nakaraang biennial meet kung saan nakamit ng mga Filipino surfers ang pangkalahatang mga kampeon na may dalawang ginto, dalawang silver, at tatlong medalya ng bronze. *



Comments

Popular posts from this blog

P7 milyong retirement na pinaghirapan ng 30-taon ng isang senior citizen halos malimas ng budol-budol

    Screencap photo from Youtube @ GMA 24 Oras Sa hirap ng buhay ngayon dahil na din sa pandemya na kinakaharap nating lahat, marami sa atin ang nawalan ng hanap buhay, kaya ang karamihan ay naghahanap ng alternatibong mapag kakakitaan. Habang ang iba naman ay abala sa panlilinlang sa iba. Kaya naman naglipana na naman ngayon ang mga taong mapag samantala at walang magandang hangarin sa kanilang kapwa, na imbes na kumayod ng marangal at magbanat ng buto ay mas napili pa ang manloko kapalit ang pinagtrabahahun ng ibang tao.  * Sa ulat ng GMA 24 Oras, isang 92-anyos na senior citizen mula sa Balagtas, Bulacan ang nawalan ng P7 milyon matapos mabiktima ng "Budol-budol" gang. Mabuti na lang at agad na nadakip sa isang entrapment operation ang suspek na saktong kausap pa ang matanda ng bangko hawak hawak ang pera ng matanda. Sa  ikinasang entrapment operation ng mga pulis nadakip ang isa sa mga suspek na si Anthony Jitula, 24, na miyembro umano ng budol budol gang na umaaligid sa

Teenager nasawi nang sumabog ang cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan

  Photo courtesy of Facebook/the hearty soul Usap-usapan sa social media ang masaklap na kinahantungan ng isang dalagita ang pumanaw kamakailan dahil sa sumabog ang kanyang cellphone habang siya ay natutulog. Ayon sa report ng Daily Mail, ang 14-anyos na dalagita ay nakilalang si Alua Asetkyzy Abzalbek mula sa Bastobe, Kazakhstan. Base sa imbestigasyon, natutulog na ang dalagita, ngunit nakikinig pa rin ito ng music mula sa kanyang cellphone. Nakasalpak ang earphones sa kanyang tenga habang naka-charge pa ang cellphone nito. Kaya naman walang maririnig na kahit anong distorbo ang dalagita. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alua ang panganib na pwede mangyari dulot ng kanyang kapabayaan. Bukod pa dito, nilagay pa niya ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan na siyang dahilan ng pag-overheat ng gadget. Pinaniniwalaang, umaga na raw nang mangyari ang pagsabog kaya kung ito ay naagapan, maaaring buhay pa sana si Alua. Sa katunayan, naka-plug pa rin sa saksakan ang charger ng cellphone na sumabo

Wala na ngang mapakain sa pamilya, karpintero pinagmulta pa ng P1k dahil sa paglabas sa araw ng Linggo

    Larawan mula sa Facebook post ni Cristel Ygona Nakaka lungkot isipin na sa gitna ng krisis sa pandemya na ating nararanasan ay marami sa ating mga kababayan ang nag hihikahos sa buhay. Ang iba sa atin ay halos isang kahig,isang tuka lang nabubuhay, walang naitabing pera na maaaring magamit sa oras ng pangangailangan o kagipitan man lang. Tulad na lamang ng kwento ng isa nating kababayan na ibinahagi ng isang concerned netizen na kanyang nakasabay sa pila sa kanilang munisipyo. Kwentong netizen, na si  Cristel Ygo├▒a noong Lunes, Agosto 10, sa Navotas City Hall. Habang naghihintay syang tawagin ang kanyang pangalan sa pila ng mga magbabayad sa traffic violation sa nasabing lungsod. May mga nakakausap syang mga kapwa nakapila at bawat isa sa kanila ay nagtatanong kung ano ang naging violation at magkano ang multa. Sinabayan na nila ang kwentuhan upang makalimutan ang pagka inip sa haba at dami ng nakapila. May ilang mga lalaki syang nakakausap ngunit bukod tangi ang isang lalaki na na