Skip to main content

Teenager, kasama ang instructor nasawi sa Skydiving matapos hindi bumukas ang parachute

   

Larawan ni Jeanna kasama ang kanyang lola | Larawan mula sa Daily Mail at Inquirer


Ang isang 18-taong gulang na batang babae na mag sisimula pa lang sana sa kanyang unang taon sa kolehiyo ngayong Agosto ang pumanaw dahil sa isang skydiving accident sa United States.


Dahil kasama ito sa kanyang bucket list, si Jeanna Renee Triplicata at ang kanyang lola ay nagplano na mag-skydiving.*

Kasamang ni Jeanna na nasawi ang kanyang Skydiving instructor na sinasabing may karanasan naman sa nasabing extreme activity.


Ayon sa ulat ng Atlanta Journal-Constitution noong Martes, Hulyo 14., sinagawa umano ng instructor ang tandem jump ngunit hindi na bumukas ang kanilang parachute.


Ang mga magulang, kapatid, at kaibigan ng teenager ay sumama kay Triplicata at sa kanyang lola noong Linggo ng Hulyo 12, para panoorin sila.


Ayon sa ulat, nakita pa daw ng mga kasama ng teenager na nag land ang parachute ng kanyang lola, ngunit nakita na lumapag sa lupa ang parachut ng mag-aaral.


Ang ama ng teen na si Joey Triplicata, ay sinabi na ang kanyang pamilya ay nakakita ng isang parachute na umiikot at tila nawalan ng kontrol, ngunit hindi nila tiyak kung ito ay si Jeanna at ang kanyang instructor.*

Screencap photo from Youtube



"It was the worst day of our lives,” sambit ng ama ni Jeanna


“It doesn’t even seem real. We’re going to miss her every day for the rest of our lives.” Dagdag pa nito

Ang ilang mga empleyado mula sa kumpanyang Skydive Atlanta ay nagsabi sa pamilya na hahanapin nila si Jeanna. Nang bumalik sila nang wala si Jeanna, nagpasya ang ama na personal na maghanap sa bukid.


Nang kalaunan ay kinumpira ni Upson Sheriff Dan Kilgore sa pamilya na ang tinedyer at ang 35 taong gulang na tagapagturo ay namatay.


Sinabi ng Sheriff na pagkatapos na lumabas ng dalawang sasakyang pang himpapawid ay hindi umano nagbukas ang parachute na sinasakyan ni Jeanna.


Samantala, ang emergency parachute ay hindi naman na implement hanggang ang dalawa ay nasa sobrang mababang taas. Hindi rin umano ito ganap na nagbukas, ayon sa ulat.


Ang Georgia Bureau of Investigation (GBI) ang nagsasagawa ng autopsies ng dalawang biktima. Ang isang videographer, na nagdokumento sa paglipad ni Jeanna at Esposito, ay hindi naman nasaktan.


Matapos makumpleto ang imbestigasyon, pahihintulutan ang pamilya na makita ang mga huling sandali ng batang babae.


“I’m hoping and praying that she was just having the time of her life,” ayon sa ama ni Jeanna.*


Screencap photo from Youtube



Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Skydive Atlanta sa pamilya ni Jeanna at idineklara na ang kanilang komunidad ay ang kanilang komunidad ay labis na nagdadalamhati sa pagkawala ng teenager. 

Matapos mag 18 ni Jeanna ay may tatlong bagay daw itong nais tuparin para a sarili. Isa na dito ang Skydiving. Gusto din niyang magpalagay ng nose ring at maliit na tattoo upang alalahanin ang kanyang yumaong lolo.

 


Comments

Popular posts from this blog

P7 milyong retirement na pinaghirapan ng 30-taon ng isang senior citizen halos malimas ng budol-budol

    Screencap photo from Youtube @ GMA 24 Oras Sa hirap ng buhay ngayon dahil na din sa pandemya na kinakaharap nating lahat, marami sa atin ang nawalan ng hanap buhay, kaya ang karamihan ay naghahanap ng alternatibong mapag kakakitaan. Habang ang iba naman ay abala sa panlilinlang sa iba. Kaya naman naglipana na naman ngayon ang mga taong mapag samantala at walang magandang hangarin sa kanilang kapwa, na imbes na kumayod ng marangal at magbanat ng buto ay mas napili pa ang manloko kapalit ang pinagtrabahahun ng ibang tao.  * Sa ulat ng GMA 24 Oras, isang 92-anyos na senior citizen mula sa Balagtas, Bulacan ang nawalan ng P7 milyon matapos mabiktima ng "Budol-budol" gang. Mabuti na lang at agad na nadakip sa isang entrapment operation ang suspek na saktong kausap pa ang matanda ng bangko hawak hawak ang pera ng matanda. Sa  ikinasang entrapment operation ng mga pulis nadakip ang isa sa mga suspek na si Anthony Jitula, 24, na miyembro umano ng budol budol gang na umaaligid sa

Teenager nasawi nang sumabog ang cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan

  Photo courtesy of Facebook/the hearty soul Usap-usapan sa social media ang masaklap na kinahantungan ng isang dalagita ang pumanaw kamakailan dahil sa sumabog ang kanyang cellphone habang siya ay natutulog. Ayon sa report ng Daily Mail, ang 14-anyos na dalagita ay nakilalang si Alua Asetkyzy Abzalbek mula sa Bastobe, Kazakhstan. Base sa imbestigasyon, natutulog na ang dalagita, ngunit nakikinig pa rin ito ng music mula sa kanyang cellphone. Nakasalpak ang earphones sa kanyang tenga habang naka-charge pa ang cellphone nito. Kaya naman walang maririnig na kahit anong distorbo ang dalagita. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alua ang panganib na pwede mangyari dulot ng kanyang kapabayaan. Bukod pa dito, nilagay pa niya ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan na siyang dahilan ng pag-overheat ng gadget. Pinaniniwalaang, umaga na raw nang mangyari ang pagsabog kaya kung ito ay naagapan, maaaring buhay pa sana si Alua. Sa katunayan, naka-plug pa rin sa saksakan ang charger ng cellphone na sumabo

Wala na ngang mapakain sa pamilya, karpintero pinagmulta pa ng P1k dahil sa paglabas sa araw ng Linggo

    Larawan mula sa Facebook post ni Cristel Ygona Nakaka lungkot isipin na sa gitna ng krisis sa pandemya na ating nararanasan ay marami sa ating mga kababayan ang nag hihikahos sa buhay. Ang iba sa atin ay halos isang kahig,isang tuka lang nabubuhay, walang naitabing pera na maaaring magamit sa oras ng pangangailangan o kagipitan man lang. Tulad na lamang ng kwento ng isa nating kababayan na ibinahagi ng isang concerned netizen na kanyang nakasabay sa pila sa kanilang munisipyo. Kwentong netizen, na si  Cristel Ygo├▒a noong Lunes, Agosto 10, sa Navotas City Hall. Habang naghihintay syang tawagin ang kanyang pangalan sa pila ng mga magbabayad sa traffic violation sa nasabing lungsod. May mga nakakausap syang mga kapwa nakapila at bawat isa sa kanila ay nagtatanong kung ano ang naging violation at magkano ang multa. Sinabayan na nila ang kwentuhan upang makalimutan ang pagka inip sa haba at dami ng nakapila. May ilang mga lalaki syang nakakausap ngunit bukod tangi ang isang lalaki na na