Skip to main content

Wala na ngang mapakain sa pamilya, karpintero pinagmulta pa ng P1k dahil sa paglabas sa araw ng Linggo

   

Larawan mula sa Facebook post ni Cristel Ygona


Nakaka lungkot isipin na sa gitna ng krisis sa pandemya na ating nararanasan ay marami sa ating mga kababayan ang nag hihikahos sa buhay.


Ang iba sa atin ay halos isang kahig,isang tuka lang nabubuhay, walang naitabing pera na maaaring magamit sa oras ng pangangailangan o kagipitan man lang.

Tulad na lamang ng kwento ng isa nating kababayan na ibinahagi ng isang concerned netizen na kanyang nakasabay sa pila sa kanilang munisipyo.


Kwentong netizen, na si Cristel Ygoña noong Lunes, Agosto 10, sa Navotas City Hall. Habang naghihintay syang tawagin ang kanyang pangalan sa pila ng mga magbabayad sa traffic violation sa nasabing lungsod.


May mga nakakausap syang mga kapwa nakapila at bawat isa sa kanila ay nagtatanong kung ano ang naging violation at magkano ang multa.


Sinabayan na nila ang kwentuhan upang makalimutan ang pagka inip sa haba at dami ng nakapila. May ilang mga lalaki syang nakakausap ngunit bukod tangi ang isang lalaki na napagtanungan nya.


Bukod sa tahimik lang ito sa isang sulok ay tila malungkot at nakatitig lamang ito sa ticket na hawak.


Nang tanungin daw ng ating uploader si kuya, ramdam nya ang lungkot sa boses nito at pautal utal pa nang sumagot.*


Larawan mula sa Facebook post ni Cristel Ygona




Salaysay ni kuyang karpintero, pinagmulta raw siya dahil lumabas siya nang araw ng Linggo. Bawal daw kasing lumabas kapag Linggo sa kanilang lugar dahil naka-MECQ na naman ang buong Metro Manila kaya naticketan sya.

Dagdag pa ni kuya, “Karpintero ako. Wala kaming pangkain. Bumale ako sa amo ko,” habang pautal-utal itong nagku kuwento sa kanya.


Isang libo (P1,000) ang naging multa niya. Tinanong pa ni Cristel kung bakit hindi siya nagpaliwanag, hindi na niya ito masabi nang maayos dahil sa halos maiyak na lamang ito.


“Ramdam ko yung lungkot at panghihinayang,” pagsasalarawan ni Cristel.


Ramdam daw ni Cristel ang hirap ng kalooban noon ng nasabing karpintero dahil ang perang inutang nito sa kanyang amo na imbes ipapambili n asana nilang mag-anak ng pagkain, ay napunta lang pambayad niya sa violation ticket.


Pambili na sana nila ito ng bigas at iba pang makakain ng kanyang pamilyang na umaasang maiibsan na ang kanilang pansamantalang gutom.


“Malalaman n’yo din po sa kanya na hindi siya nagpapaawa kasi noong inabutan ko pa siya ng konting tulong, ayaw pang tanggapin kung hindi pa po ako tumakbo pababa.” Paliwanag pa ni Cristel.


Sa katunayan pa nga ay kanya itong hinabol upang ipagpilitan ang tulong na kanyang ibinibigay. *


Nanghihinayang ang uploader dahil hindi na niya nakuha ang pangalan ng karpintero, ngunit ginagawa raw niya ang lahat para mahanap ito.

Hindi nya akalain na magvi-viral ang kanyang post. Maraming netizen kasi ang naantig sa kalagayan ng karpintero.


Nais nilang malaman ang kinaroroonan ng karpintero upang maabutan siya at ang kanyang pamilya ng tulong.


Kaya naman nagpasya si Cristel ang ipost ang larawan ng ng nasabing lalaki sa social media. Samantala, may ilang nagpresinta na makakatulong sa kanya upang malaman ang address nito.


Marami sa ating mga netizen ang nakaramdam ng lungkot para kay kuya at ang iba naman ay ikina inis ang ginawa ng nang ticket sa karpintero. Narito ang komento ng ilang mga netizens:


“Bumali na nga lang para may makain, tapos nahuli at tutubusin pa ng isang libo! Sa palagay ng mga matatalino dyan sa city hall,, ano ang magandang ginawa nila,, upang makatulong sa tao.??,, sa halip na maka perwesyo sa mahihirap at sila pa ngayon ang kumita. Sa halip yung tao ay bumali lang para may makakain ang kanyang pamilya,, nandoon na tayo na bawal ngang lumabas,, pero ang tao.hindi naman nag lamerda lang..!!,, sana may pabor naman sana na binigay sa tao,, hindi lahat puro pag sunod nalang dyan sa city hall.”


 “Wala man lang consideration yung mga nanghuhuli. Mukha bang lalabas si tatay(sic) kung tatambay at gagala lang? Pero pag nasa puwesto lahat ng consideration ibinibigay.”*


Sa huling update ng post ni Cristel, maraming netizens ang gustong magpaabot ng tulong sa karpintero, kaya sisikapin ng uploader na makabalik sa city hall at baka sakaling makita nyang muli ang karpintero o may makapag bigay sa kanya ng impormasyon.

Sinamantala na rin nito na manawagan sa mga makababasa na baka may nakaka alam ng pagkakakilanlan sa nasabing lalaki.


Samantala, matapos kumalat ng post ni Cristel sa social media at telebisyon, sumagot na din ang karpintero sa kanya sa text.


“Hello, good morning, ma’am . Ako yung sa city hall. Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa tulong mo pagpalain ka ng Panginoon. Kaya lang sumobra ata tayo sa viral. Hehehe. Tsaka baka pag na-trace ako, malaman yung personal ko, mapahiya tayo kasi una binata ako tapos kumikita naman kahit papaano kaya nga tinatanggihan ko yung inaabot mo kasi mas marami ang mas higit na nangangailangan. Pero gano’n pa man maraming maraming salamat. God bless you more.”


Wala naman daw problema sa kanya ang multa dahil aminado siyang may mali siya. Ayaw rin niyang tanggapin ang mga nakaabang na tulong dahil mas may karapat-dapat pa raw sa kanya.


Namangha si Cristel. Sa ikalawang pagkakataon ipinakita ng karpintero ang kanyang kabutihan.


Narito ang kabuuan ng Facebook post ni Ms. Cristel Ygoña:*


“Kanina nasa munisipyo ako. Habang nasa pila may mga nagtanong sa akin ano daw violation ko.
Sabi ko "may tatanungin lang po ako."
Me to kuya: kayo po?


Sya: ako kasi nahuli ako kahapon linggo lumabas ako (pautal utal.)
Sya: karpentero ako. Wala kameng pangkaen bumali ako sa amo ko. (pautal utal, non verbatim)
Me: magkano po yang violation nyo?
Sya: 1,000


Me: baket hindi po kayo nagpaliwanag?
Sya: (tapos tumahimik tas hindi nya din mapaliwanag ng maayos, pero ramdam ko yung lungkot at panghihinayang)

 

Habang nasa pila nakatitig lang sya sa ticket nya. 

Malalaman nyo din po sa kanya na hindi sya nagpapaawa kasi nung inabutan ko pa sya ng konting tulong ayaw pangtanggapin kung hindi pa po ako tumakbo pababa. 


 

PS: I didn't get his personal information but makikilala ko naman po sya pagkita ko.  
PPS: SA MGA NAKAKAKILALA KAY SIR LET ME KNOW. ANG DAME DAME PONG GUSTONG TUMULONG PO SA INYO! 

 

Kindly check my wall for the updates. Thanks so much! Have a good day ahead! “

 


Comments

Popular posts from this blog

P7 milyong retirement na pinaghirapan ng 30-taon ng isang senior citizen halos malimas ng budol-budol

    Screencap photo from Youtube @ GMA 24 Oras Sa hirap ng buhay ngayon dahil na din sa pandemya na kinakaharap nating lahat, marami sa atin ang nawalan ng hanap buhay, kaya ang karamihan ay naghahanap ng alternatibong mapag kakakitaan. Habang ang iba naman ay abala sa panlilinlang sa iba. Kaya naman naglipana na naman ngayon ang mga taong mapag samantala at walang magandang hangarin sa kanilang kapwa, na imbes na kumayod ng marangal at magbanat ng buto ay mas napili pa ang manloko kapalit ang pinagtrabahahun ng ibang tao.  * Sa ulat ng GMA 24 Oras, isang 92-anyos na senior citizen mula sa Balagtas, Bulacan ang nawalan ng P7 milyon matapos mabiktima ng "Budol-budol" gang. Mabuti na lang at agad na nadakip sa isang entrapment operation ang suspek na saktong kausap pa ang matanda ng bangko hawak hawak ang pera ng matanda. Sa  ikinasang entrapment operation ng mga pulis nadakip ang isa sa mga suspek na si Anthony Jitula, 24, na miyembro umano ng budol budol gang na umaaligid sa

Teenager nasawi nang sumabog ang cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan

  Photo courtesy of Facebook/the hearty soul Usap-usapan sa social media ang masaklap na kinahantungan ng isang dalagita ang pumanaw kamakailan dahil sa sumabog ang kanyang cellphone habang siya ay natutulog. Ayon sa report ng Daily Mail, ang 14-anyos na dalagita ay nakilalang si Alua Asetkyzy Abzalbek mula sa Bastobe, Kazakhstan. Base sa imbestigasyon, natutulog na ang dalagita, ngunit nakikinig pa rin ito ng music mula sa kanyang cellphone. Nakasalpak ang earphones sa kanyang tenga habang naka-charge pa ang cellphone nito. Kaya naman walang maririnig na kahit anong distorbo ang dalagita. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alua ang panganib na pwede mangyari dulot ng kanyang kapabayaan. Bukod pa dito, nilagay pa niya ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan na siyang dahilan ng pag-overheat ng gadget. Pinaniniwalaang, umaga na raw nang mangyari ang pagsabog kaya kung ito ay naagapan, maaaring buhay pa sana si Alua. Sa katunayan, naka-plug pa rin sa saksakan ang charger ng cellphone na sumabo