Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2020

Isang amang street sweeper, matyagang tinuturuan ang mga anak gamit lamang ang liwanag na galing sa street light, tulong dumagsa

  Mga larawan mula sa Facebook @Athan Luchero Ibinahagi ng isang concerned netizen ang larawan ng kanyang kapitbahay na isang amang street sweeper habang tinuturuan ang kanyang anak sa mga assignments nito para sa kanilang home schooling class. Makikita na mga larawan na matyagang nag aaral ang mag ama sa ilalim ng liwanag na galing sa streetlight kung saan ay katabi lang din ng kanilang maliit at payak na bahay.* Ayon sa post ng kanyang kapit bahay na si Athan Luchero, isang single parent lang ang nasabing ama, na kinilalang si Rolando Eugenio, mag isa nitong itinataguyod ang tatlong anak at sinisikap na makapag aral ang mga ito. Sa maliit na kinikita ni mang Rolando sa pagwawalis sa kalsada, hindi nito kakayanin ang magpakabit ng kuryente o bumili man ng gadget kaya, naman matyaga nilang pinagtitiisan ang liwanag mula sa katabing poste ng ilaw. Maging ang pagbili ng gadgets para sa mga anak nito ay imposible rin maibigay ni mang Rolando para sa mga anak. Sa kabila nito, pangarap niya

Repaying kindness: Isang 22-anyos na programmer, libreng nagaayos ng mga laptop para sa mga estudyante walang pambayad

  Larawan mula sa Facebook Nakakatuwang isipin na may mga taong hindi nakakalimot sa kanilang pinang galingan at bilang balik sa mga biyayang natanggap, sila naman ang tumutulong sa kapwa ng walang anumang kapalit.  Isa na rito ang 22 taong gulang na programmer na dating nakaranas ng mga paghihirap sa buhay ay nag-aalok ngayon ng libreng serbisyo sa pagkukumpuni ng computer / laptop sa mga mag-aaral lalo na at online na ang pagpapatuloy ng klase. Sa kasalukuyan, umabot na ng 150 na mga estudyante ang lumapit kay Mark Anthony Perez, matapos niyang simulan ang libreng repair sa kasagsagan ng pandemya. Napakalaking tulong ng ginagawang ito ni Perez para sa mga mag-aaral na nakasalalay sa laptop o computer ang pagpapatuloy ng pag-aaral. Hiniling ni Perez na kung may mga sirang computer o laptop ay huwag itapon dahil maaaring idonate ang ibang mga parts nito sa kanya upang magamit niya sa mga nagpapawagang estudyante sa kanyang shop. Nagbibigay din siya ng mga lumang laptop, dalawa rito ay

May dalang ayuda! Alagang pusa ng isang netizen, nag-uwi ng isang libo

  Photos courtesy of Facebook @April Jean Nakakatuwa ang may alagang pets sa bahay, lalo na kung ang mga ito ay bibo at cute na cute. Talaga namang nakakapawi ng pagod at stress.  Nariyan yung sasalubong sila pagdating natin galing sa labas o di kaya ay mula sa trabaho, papaliguan ka ng halik at minsan pa nga ay magpapakarga pa sa atin. * Sabi nga sa mga pag-aaral, ang pag-aalaga ng pets ay nakakabawas ng stress hormone at nagbibigay sa atin ng comfort at sense of responsibility na din lalo na sa mga chikiting. Iba't ibang saya ang hatid sa atin ng ating mga furbabies. Isa na nga rito ang kwento na ibinahagi ng isang netizen na si Ms. April Jean sa isang post sa Facebook group na Cats and Kittens Philippines kung saan ang alaga nyang pusa na si Kenzue ay nag-uwi ng isang libong piso. Noong una ang akala nya ay kung anong basura lamang ang dala dala ng makulit at bibo nyang si Kenzie. Ngunit laking gulat ng cat mom na ito na may bitbit na P1k ang kaniyang alagang pusa. Ayon kay Apri

Teenager nasawi nang sumabog ang cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan

  Photo courtesy of Facebook/the hearty soul Usap-usapan sa social media ang masaklap na kinahantungan ng isang dalagita ang pumanaw kamakailan dahil sa sumabog ang kanyang cellphone habang siya ay natutulog. Ayon sa report ng Daily Mail, ang 14-anyos na dalagita ay nakilalang si Alua Asetkyzy Abzalbek mula sa Bastobe, Kazakhstan. Base sa imbestigasyon, natutulog na ang dalagita, ngunit nakikinig pa rin ito ng music mula sa kanyang cellphone. Nakasalpak ang earphones sa kanyang tenga habang naka-charge pa ang cellphone nito. Kaya naman walang maririnig na kahit anong distorbo ang dalagita. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alua ang panganib na pwede mangyari dulot ng kanyang kapabayaan. Bukod pa dito, nilagay pa niya ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan na siyang dahilan ng pag-overheat ng gadget. Pinaniniwalaang, umaga na raw nang mangyari ang pagsabog kaya kung ito ay naagapan, maaaring buhay pa sana si Alua. Sa katunayan, naka-plug pa rin sa saksakan ang charger ng cellphone na sumabo