Skip to main content

Proposal gone wrong; isang dalaga nahulog mula sa 650 talampakan na bangin pagkasagot nito ng "Yes!", lalaki hulog rin matapos subukang iligas ang GF

 

Larawan mula sa Buzzooks 




Nagsimula ang lahat sa isang ordinaryong araw kung saan nag hiking ang mag kasintahan at umakyat sa tuktok ng Falkert sa Carinthia, Austria na parehong humantong sa ospital.


Sa pagamutan ang bagsak ng dalawa matapos ang epic fail na proposal ng kasal ng nobyo ng babae dahil nahulog sila sa bangin.


<

Ang imbes na masayang pagdiriwang, napalitan ng sakit dahil sa nangyari sa magkasintahan.


Ayon sa mga awtoridad na nagligtas sa dalawa, nakita ng mga nakasaksi na nang umabot ang mga ito sa tuktok, agad na nagpropose ang lalaki sa kasintahan nito. Ngunit sa sobrang tuwa at pag sagot naman  ng "Yes!", nadulas ang babae at nahulog sa  halos 650 feet na taas.


Samantala, matapos mahulog ng babae, sinubukan itong iligtas ng kasintahan ngunit huli na. Naiwan namang nakabitin ng 50 talampakan ang lalaki mula sa lupa.


Matinding epic fail talagang ang nangyaring ito sa magkasintahang ito. Mabuti na lang din at makapal umano ang snow kaya kahit paano ay naiwasan ang impact ng pagbagsak ng babae sa lapag.


Bagaman nasaktan siya sa aksidente, ang 32-taong-gulang na babae ay wala naman sa kritikal na kundisyon sa kabila nang pagkakahulog nito mula sa mataas na lugar.*


Larawan mula sa Dailymail UK




Hindi na kinilala ang magkasintahan para sa pang-pribadong kadahilanan ngunit ang babae ay sinasabing nagmula sa St Pölten habang ang kanyang 27-taong-gulang na fiancé ay mula naman sa Carinthia.


Sinabi pa ng mga lokal na awtoridad na maswerte talaga ang babae dahil mabato umano ang nasabing lugar na kanyang pinagbagsakan.


At dahil nga sa makapal na niyebe, hindi siya napuruhan at malamang ay matutuloy pa rin ang kasalan.


“The two were extremely lucky. He flew 15 meters through the air. The woman fell 200 meters over rocky terrain. Had it not been for snow, it would have turned out very different,” paliwanag pa ng isang pulis.


Photo from World Today News


Mabuti na lang din daw at maraming tao sa lugar kaya agad na nasaklolohan ang dalawa at nadala sa ospital at dahil dito, naiwasan ang posibleng mga komplikasyon para sa hypothermia. 




 

 

Comments

Popular posts from this blog

P7 milyong retirement na pinaghirapan ng 30-taon ng isang senior citizen halos malimas ng budol-budol

    Screencap photo from Youtube @ GMA 24 Oras Sa hirap ng buhay ngayon dahil na din sa pandemya na kinakaharap nating lahat, marami sa atin ang nawalan ng hanap buhay, kaya ang karamihan ay naghahanap ng alternatibong mapag kakakitaan. Habang ang iba naman ay abala sa panlilinlang sa iba. Kaya naman naglipana na naman ngayon ang mga taong mapag samantala at walang magandang hangarin sa kanilang kapwa, na imbes na kumayod ng marangal at magbanat ng buto ay mas napili pa ang manloko kapalit ang pinagtrabahahun ng ibang tao.  * Sa ulat ng GMA 24 Oras, isang 92-anyos na senior citizen mula sa Balagtas, Bulacan ang nawalan ng P7 milyon matapos mabiktima ng "Budol-budol" gang. Mabuti na lang at agad na nadakip sa isang entrapment operation ang suspek na saktong kausap pa ang matanda ng bangko hawak hawak ang pera ng matanda. Sa  ikinasang entrapment operation ng mga pulis nadakip ang isa sa mga suspek na si Anthony Jitula, 24, na miyembro umano ng budol budol gang na umaaligid sa

Teenager nasawi nang sumabog ang cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan

  Photo courtesy of Facebook/the hearty soul Usap-usapan sa social media ang masaklap na kinahantungan ng isang dalagita ang pumanaw kamakailan dahil sa sumabog ang kanyang cellphone habang siya ay natutulog. Ayon sa report ng Daily Mail, ang 14-anyos na dalagita ay nakilalang si Alua Asetkyzy Abzalbek mula sa Bastobe, Kazakhstan. Base sa imbestigasyon, natutulog na ang dalagita, ngunit nakikinig pa rin ito ng music mula sa kanyang cellphone. Nakasalpak ang earphones sa kanyang tenga habang naka-charge pa ang cellphone nito. Kaya naman walang maririnig na kahit anong distorbo ang dalagita. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alua ang panganib na pwede mangyari dulot ng kanyang kapabayaan. Bukod pa dito, nilagay pa niya ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan na siyang dahilan ng pag-overheat ng gadget. Pinaniniwalaang, umaga na raw nang mangyari ang pagsabog kaya kung ito ay naagapan, maaaring buhay pa sana si Alua. Sa katunayan, naka-plug pa rin sa saksakan ang charger ng cellphone na sumabo

Wala na ngang mapakain sa pamilya, karpintero pinagmulta pa ng P1k dahil sa paglabas sa araw ng Linggo

    Larawan mula sa Facebook post ni Cristel Ygona Nakaka lungkot isipin na sa gitna ng krisis sa pandemya na ating nararanasan ay marami sa ating mga kababayan ang nag hihikahos sa buhay. Ang iba sa atin ay halos isang kahig,isang tuka lang nabubuhay, walang naitabing pera na maaaring magamit sa oras ng pangangailangan o kagipitan man lang. Tulad na lamang ng kwento ng isa nating kababayan na ibinahagi ng isang concerned netizen na kanyang nakasabay sa pila sa kanilang munisipyo. Kwentong netizen, na si  Cristel Ygoña noong Lunes, Agosto 10, sa Navotas City Hall. Habang naghihintay syang tawagin ang kanyang pangalan sa pila ng mga magbabayad sa traffic violation sa nasabing lungsod. May mga nakakausap syang mga kapwa nakapila at bawat isa sa kanila ay nagtatanong kung ano ang naging violation at magkano ang multa. Sinabayan na nila ang kwentuhan upang makalimutan ang pagka inip sa haba at dami ng nakapila. May ilang mga lalaki syang nakakausap ngunit bukod tangi ang isang lalaki na na