Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2021

Guro taos puso ang pasasalamat, di makapaniwalang binalik sa kanya ang P10K na naipadala online sa maling tao

  Photo courtesy of Facebook @Sheryll Dijamco Abril Hindi na umaasa pa ang netizen na si Ms. Sheryll Dijamco Abril na maibabalik pa sa kanya ang perang aksidente nyang naipadala sa maling tao. Ngunit laking gulat ni Sheryll ng biglang may dumating na notificaion sa kanyang cellphone at nagsasabing,  "You have received PHP 10000 of GCash from, with MSG: This is to return the erroneous 10K deposit."  Isang nagngangalang Ed Michael Monares ang di sinasadyang napadalhan nya ng nasabing halaga . Isinauli sa kanya ang P10,000 na mali niyang naipadala gamit ang online money transfer na Gcash.  Patok kasi sa ating mga netizen ang pag gamit ng online cash transfer o ang cashless transaction na madalas gamitin ngayon para sa pagbabayad ng mga bills o di kaya naman ay sa mga online shopping.  Malaking kaginhawaan kasi ang naibibigay nito sa atin dahil hindi na natin kailangan pang lumabas ng bahay, magcommute at pumila ng pagkahaba haba sa mga bills payment establishments.  Yun nga lang

Sinulid na ginagamit sa bagong modus ng pagnanakaw laban sa mga motorista muling naglipana

    Photos from Facebook @Jeffrey Rose and Scarlett Allison Hindi na bago sa ating mga kababayan ang iba't ibang uri ng pag sasamantala ng mga taong walang mabuting hangarin sa kanilang kapwa. Sa halip na maghanap buhay ng maayos upang kumita at mabuhay ng marangal ay mas pinipili pa ng mga taong ganito ang makapan linlang at maka panakit ng ibang tao.  * Sa hirap ng buhay ngayon dahil sa dulot ng pandemya, ang bawat isa sa atin ay nagsisikap at nagbabanat ng buto upang may maipakain sa ating mga mahal sa buhay na naghihintay sa atin sa bahay tuwing tayo ay uuwi. Ngunit paano na lamang sa di inaanaasahang pagkakataon ay isa sa atin ang di mapalad na maka tiempo ng ganitong uri ng sakuna na dahil lamang sa masamang balak ng iba ay mapeperwisyo tayo maging ang ating mga mahal sa buhay. Gaya na lamang sa ibinahagi ng isang netizen na si Scarlett Allison at ng kanyang asawa, nito lamang pagkapasok ng bagong taon, January 1, habang binabaybay nila ang kahabaan ng Las PiƱas. Bandang 8:35

Isang aso hinangaan ng netizens matapos nitong humingi ng tulong para sa isang sanggol

  Larawan mula sa Facebook ng Sibonga Police Station Mabuti pa ang isang asong gala sa bayan ng Magcagong, Sibonga, Southern Cebu, nakuhang pang humingi nito ng saklolo sa ibang tao upang sagipin ang isang sanggol na di umano'y bagong panganak na itinapn sa isang dump site sa nasabing lugar. At sa tulong ng isang motorcycle rider na saktong dumadaan sa lugar ang nakapansin sa kakaibang kinikilos ng aso. * Ayon sa balita, na ibinahagi sa the Freeman post, binabagtas ni Junrell Fuentes Revilla ang kahabaan ng barangay Magkagong gamit ang kanyang motorsiklo bandang 11 a.m, nitong disperas ng Pasko, Disyembre 24. Napansin ni Junrell na may isang asong kalye ang sumusunod sa kanya at tila balisa at hindi mapakali, panay ang tahol at tila nais nitong kunin ang pansin ni Junrell. Kaya naman huminto siya upang sundan ang aso na naglakad papunta sa direksyon ng isang madamong lugar malapit sa dumpsite, at laking gulat niya ng makita nya ang isang sanggol na lalaki na nakabalot pa sa isang b