Skip to main content

Sinulid na ginagamit sa bagong modus ng pagnanakaw laban sa mga motorista muling naglipana

  

Photos from Facebook @Jeffrey Rose and Scarlett Allison


Hindi na bago sa ating mga kababayan ang iba't ibang uri ng pag sasamantala ng mga taong walang mabuting hangarin sa kanilang kapwa.


Sa halip na maghanap buhay ng maayos upang kumita at mabuhay ng marangal ay mas pinipili pa ng mga taong ganito ang makapan linlang at maka panakit ng ibang tao.  *


Sa hirap ng buhay ngayon dahil sa dulot ng pandemya, ang bawat isa sa atin ay nagsisikap at nagbabanat ng buto upang may maipakain sa ating mga mahal sa buhay na naghihintay sa atin sa bahay tuwing tayo ay uuwi.


Ngunit paano na lamang sa di inaanaasahang pagkakataon ay isa sa atin ang di mapalad na maka tiempo ng ganitong uri ng sakuna na dahil lamang sa masamang balak ng iba ay mapeperwisyo tayo maging ang ating mga mahal sa buhay.


Gaya na lamang sa ibinahagi ng isang netizen na si Scarlett Allison at ng kanyang asawa, nito lamang pagkapasok ng bagong taon, January 1, habang binabaybay nila ang kahabaan ng Las Piñas.


Bandang 8:35 ng gabi sa may 7-11 bago mag munisipyo ng Las Piñas, sakay ng kanilang motorsiklo na minamaneho ng kanyang asawa.  *


Photo courtesy of Facebook @Scarlett Allison



Laking gulat ng kanyang mister at nagpagewang gewang ang kanilang takbo. Mabuti na lamang ay hindi sila natumba at wala rin silang kasunod sa kanilang likod na mabilis na sasakyan dahil kung nagkataon ay mapapahamak silang mag asawa.


Akala lamang ni Scarlet noong una ay napuwing lang ang asawa nya. Ngunit laking gulat niya ng may nakita syang laslas sa leeg nito at may sumabit na mahabang sinulid. 


Kanilang napag-alaman na ang sinulid na ito ay maaaring inilagay ito para ipangharang ng mga nagbabalak na gumawa ng masama sa mga motoristang dumadaan upang kanilang mabiktima.


Ibinahagi ng netizen na ito sa social media upang magsilbing babala ito sa ating mga kababayan lalo sa mga nagagawi sa nasabing lugar.


Ayon sa kanyang post, isinalaysay nya ang pangyayari at makikita rin ang ilang larawan ng kanyang asawa na nagtamo ng sugat mula sa sinulid na sumabit sa leeg nito.  *




Photo courtesy of Wikipedia




“Around 8:35 sa Las Piñas sa may 7-11 banda bago mag munisipyo ng Las Piñas, biglang napamura asawa ko at nag-wiggle kami. Buti na lang wala kami kasunod sa likod na mabilis na sasakyan. Akala ko napuwing lang asawa ko. Laking gulat ko may laslas leeg at may sinulid na mahaba. ‘Di ko alam purpose mo pero alam kong balak mo kami agawan ng motor.”



Labis ang galit na naramdaman ni Scarlett dahil sa pangyayari. Mabuti na lamang at ginabayan pa din sila ng may kapal at walang malubhang nangyari sa kanilang mag asawa.


“Sana ‘di ka patulugin ng konsensya mo. Buhay ka pa pero sinusunog na kaluluwa mo sa impiy*rno.” Dagdag pa ni Scarlett.


Sa kabila nito nagpapasalamat pa rin ang mag asawa sa pagliligtas sa kanila ng Panginoon mula sa aksidenteng naka abang dahil sa insidenteng ito. *


Photo courtesy of Facebook @Scarlett Allison



"STILL THANK YOU LORD KASI DI MO KAMI PINABAYAAN" pahayag pa ni Scarlett Allison sa kanyang Facebook post.


Hindi na rin bago ang ganitong modus, dahil noong Hulyo taong 2020, may kaparehang modus din ang ibinahagi sa social media. Nangyari rin ang insidente bandang ala-sais ng gabi sa may junction ng Barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal.


Ayon sa post ng netizen na si Czarah Mae Cruz, “Riders, please mag-ingat kayo pag dumadaan kayo sa Junction. May sinulid sa gitna ng kalsada na parang pang saranggola pero di mo makikita kasi kulay puti. Modus daw po ito na pag nasemplang ang rider nanakawan or mas malala kukuhanin yung motor,”.


At maging sa bahagi ng Maynila kung saan ay binabagtas naman ng rider na ito ang Delpan Bridge, bigla na lamang naramdam ng rider na ito ang sugat sa kanyang mukha at muntik pang mataaman ang kanyang mata at mabuti na lamang at naka helmet ang rider. *





Photo from Facebook @Jeffrey Rose


"Habang binabagtas nyo po ang kahabaan ng Delpan Bridge. Bigla na lamang kayong masusugatan sa patibong ng sinulid,(itatali ang kabilang dulo ng sinulid sa gitnang poste ng delpan bridge, at hahawakan naman ng Demonyong Holdapper yung kabilang dulo). Kapag nakita nyang may dadaan na motor, agad nyang hihilahin ung kabilang dulo, dahilan para ma-trap, at bumagsak ang rider. Dito na sya tetyempo at hoholdapin nya na ang rider." ani ng concerned netizen.



Kaya't magingat at maging alerto po ang bawat isa. Maging babala nawa ito sa ating mga riders at ibang mga motorista na maging alerto sa kanilang dinadaanan.



Dahil naglipana po ang mga modus ng mga taong walang awa na  mangbiktima ng kanilang kapwa na naghahanap buhay ng maayos at patas na namumuhay.



Kapag maka-encounter po kayo ng ganitong modus, agad nyo pong ipagbigay-alam sa pinakamalapit na Barangay o Police Station upang agarang maaksyunan at matigil na ang ganitong kasamaan. *


Photos from Facebook @Jeffrey Rose


Comments

Popular posts from this blog

P7 milyong retirement na pinaghirapan ng 30-taon ng isang senior citizen halos malimas ng budol-budol

    Screencap photo from Youtube @ GMA 24 Oras Sa hirap ng buhay ngayon dahil na din sa pandemya na kinakaharap nating lahat, marami sa atin ang nawalan ng hanap buhay, kaya ang karamihan ay naghahanap ng alternatibong mapag kakakitaan. Habang ang iba naman ay abala sa panlilinlang sa iba. Kaya naman naglipana na naman ngayon ang mga taong mapag samantala at walang magandang hangarin sa kanilang kapwa, na imbes na kumayod ng marangal at magbanat ng buto ay mas napili pa ang manloko kapalit ang pinagtrabahahun ng ibang tao.  * Sa ulat ng GMA 24 Oras, isang 92-anyos na senior citizen mula sa Balagtas, Bulacan ang nawalan ng P7 milyon matapos mabiktima ng "Budol-budol" gang. Mabuti na lang at agad na nadakip sa isang entrapment operation ang suspek na saktong kausap pa ang matanda ng bangko hawak hawak ang pera ng matanda. Sa  ikinasang entrapment operation ng mga pulis nadakip ang isa sa mga suspek na si Anthony Jitula, 24, na miyembro umano ng budol budol gang na umaaligid sa

Teenager nasawi nang sumabog ang cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan

  Photo courtesy of Facebook/the hearty soul Usap-usapan sa social media ang masaklap na kinahantungan ng isang dalagita ang pumanaw kamakailan dahil sa sumabog ang kanyang cellphone habang siya ay natutulog. Ayon sa report ng Daily Mail, ang 14-anyos na dalagita ay nakilalang si Alua Asetkyzy Abzalbek mula sa Bastobe, Kazakhstan. Base sa imbestigasyon, natutulog na ang dalagita, ngunit nakikinig pa rin ito ng music mula sa kanyang cellphone. Nakasalpak ang earphones sa kanyang tenga habang naka-charge pa ang cellphone nito. Kaya naman walang maririnig na kahit anong distorbo ang dalagita. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alua ang panganib na pwede mangyari dulot ng kanyang kapabayaan. Bukod pa dito, nilagay pa niya ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan na siyang dahilan ng pag-overheat ng gadget. Pinaniniwalaang, umaga na raw nang mangyari ang pagsabog kaya kung ito ay naagapan, maaaring buhay pa sana si Alua. Sa katunayan, naka-plug pa rin sa saksakan ang charger ng cellphone na sumabo

Wala na ngang mapakain sa pamilya, karpintero pinagmulta pa ng P1k dahil sa paglabas sa araw ng Linggo

    Larawan mula sa Facebook post ni Cristel Ygona Nakaka lungkot isipin na sa gitna ng krisis sa pandemya na ating nararanasan ay marami sa ating mga kababayan ang nag hihikahos sa buhay. Ang iba sa atin ay halos isang kahig,isang tuka lang nabubuhay, walang naitabing pera na maaaring magamit sa oras ng pangangailangan o kagipitan man lang. Tulad na lamang ng kwento ng isa nating kababayan na ibinahagi ng isang concerned netizen na kanyang nakasabay sa pila sa kanilang munisipyo. Kwentong netizen, na si  Cristel Ygoña noong Lunes, Agosto 10, sa Navotas City Hall. Habang naghihintay syang tawagin ang kanyang pangalan sa pila ng mga magbabayad sa traffic violation sa nasabing lungsod. May mga nakakausap syang mga kapwa nakapila at bawat isa sa kanila ay nagtatanong kung ano ang naging violation at magkano ang multa. Sinabayan na nila ang kwentuhan upang makalimutan ang pagka inip sa haba at dami ng nakapila. May ilang mga lalaki syang nakakausap ngunit bukod tangi ang isang lalaki na na