Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2021

The ungrateful besh! OFW at kaibigan nito ng 8 taon, nasira ang pagkakaibigan dahil lamang sa mamahaling bag

  Photo courtesy of Facebook/Lynne Cherrie Sa tuwing makakabalita tayong mga Pinoy na may papauwi tayong kamag-anak o kaibigan na OFW, tiyak na excited tayo, dahil alam nating may inaasahan tayong pasalubong mula sa kanila. Kadalasanan pa nga ay kahit na isang chocolate lang o key chain o ref magnets lang ay tuwang-tuwa na tayong maka-tanggap nito. Isa nang karangalan ito para sa atin. Ika nga eh, ‘it’s the thought that counts’, wala sa halaga ng pasalubong, kundi ang maalala lang tayo ng ating kaibigan o mahal sa buhay at isa ng kagalakan ito para atin. Minsan pa nga ay ang makita lang silang muli ay sapat na. Ngunit salungat ang kaso ng isa nating kababayan na magbabalik mula ibang bansa ang nagshare ng kanyang experience. Kwento ng isang OFW tungkol sa kanyang karanasan sa kanyang matalik na kaibigan. Walong taon na silang magkaibigan nito. Ngunit sa hindi inaasahang dahilan, nasira ang kanilang pagiging matalik na magkaibigan, na balewala ang walong taon nilang pinagsamahan bilang

May-ari ng tindahan ng ukay-ukay, may nakakatakot at nakakagimbal na karanasan tungkol sa binenta nitong polo shirt

  Photo courtesy of   Labis ang pagkahilig nating mga Pinoy pagdating sa ukay ukay.    Kaya naman kahit saan ka mapadpad ay madali kang makakahanap ng nagtitinda ng ukay ukay.   Marahil maraming dahilan kung bakit nahuhumaling tayo sa ukay ukay: Una na rito ay ang napakamura talagang halaga nito. Sa halagang P500 ay makakabili ka na ng T-shirt at pantalon. Pangalawa, bukod sa branded ang mga ito ay magaganda at kakaiba pa ang disenyo ng mga ito. *   Subalit, sa kabilang banda, may mga bagay din na dapat tayong ikunsidera. Una na dito ay ang pinanggalingan ng ukay ukay at kung sino ang dating nagma may ari ng mga ito at kung ano ang istorya sa likod ng bawat ukay ukay na tinitinda.   Isang negosyante ang nagbahagi sa isang Facebook page na Spooktify, ng kanyang nakakakilabot ng karanasan tungkol sa pagtitinda ng mga ukay ukay na damit.   Ayon sa sender na si Lez, taong 2019 ng magsimulang magtinda ng ukay ukay si Lez. Isang gabi habang nagla live selling sya, at inaalok nya sa kanyang m

Lalaking tumangay ng sasakyan nagbantang isusumbong sa pulis ang ina ng batang naiwan nito sa loob

  Larawan mula sa KPTV   Marahil sa sobrang pagmamadali ng isang ginang upang sumgalit sa isang meat shop para bumili nang mailuluto para sa kanyang pamilya. Hindi nya na naisip na mayroon palang maaring mangyari na hindi kaaya-aya sa knilang mag-ina.   Nakakita ng pagkakataon ang mga masasamang loob ng pagkakataon para gawan ng masama ang kanilang kapwa.   Nagawang itakbo ng isang carnapper ang sasakyan ng ginang nan aka park sa meat shop. Ngunit maya maya ay bumalik ang dorobo nang makita nitong may sakay syang paslit sa backseat ng nasabing kotse.   Nagawang pang pagalitan ng kawatan ng sasakyan ang ina ng bata at may ari ng kotse kanyang tinakbo, dahil sa ginawa nitong pag-iwan sa kanyang anak sa loob ng kotse.   Nakuhang pang utasan ng lalaki ang ginang na ibaba ang kanyang anak at nagbanta rin ang carnapper na hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan, na tatawag sya sa pulis upang isumbong ang ginawang pag iwan nito sa bata sa loob ng saksakyan, bago ito tumakas tangay ang sasakyan