Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2021

Isang lolo na tricycle driver, nagtapos ng kolehiyo sa edad 64 anyos

  Photo courtesy of Jonah Lou Revilla “It’s never too late to reach for your dreams. Education has no age limit. Dreams are free.”  Ito ang mga katagang isinapuso ng 64 years old na tricycle driver mula sa Zamboanga del Sur. Sa kabila ng edad ni tatay Generito Yosores, hindi ito naging hadlang sa kanya para makamtan ang kanyang inaasam na pangarap. * Huli man ang lahat, sinikap pa rin ni tatay Generito na makapagtapos sa kursong Bachelor of Secondary Education (BSE), major in English mula sa Western Mindanao State University, Molave sa Zamboanga del Sur sa kanyang sariling pagsisikap. Natutuwa naman ang mga anak ni tatay Generoso, sobrang paghanga at proud sila sa achievement ng kanilang ama. Kaya naman ibinahagi ng kanyang anak na si Amelyn Dangan Lingcay-Gomez sa kanyang Facebook account, sinabi niyang proud ang buong pamilya nya at ang buong WMSU family sa kanilang tatay Generito kung saan ito nagtapos. “We’re so grateful and happy for your success. Continue to be a blessing for eac

Isang Filipino artist na gumagamit ng mga ginupit na plastic at recycled materials sa kanyang obra agaw pansin sa social media

  Photos courtesy of Facebook @Gilbert Angeles Ayon sa isang survey, ang Pilipinas umano ang isa sa mga pinakamadaming basura ang naitatapon sa karagatan. Kaya naman dahil dito, naisip ng ating Pinoy artist na si Gilbert Angeles na gawing kasangkapan sa kanyang mga obra ang mga basura na madalas nating naitatapon gaya ng mga plastic, lumang pintura at maging ginamit na kahoy sa mga construction site. * Nais ng ating 49-year old na pintor na ito na maiwasan ang patuloy na pagdami pa ng mga basura sa ating kapaligiran lalo ng sa ating karagatan, at magbigay pansin na rin sa ating lahat ang patuloy na pagkasira ng ating kalikasan. At magmula pa noong taong 2019, gamit ang mga pinaggupit-gupit na mga plastic, nakagawa na ng halos dalawang dosenang paintings mula sa mga basura at recycled materials. “I make these artworks to raise awareness so we can fight against the trash in our area, to make us more responsible in how we dispose of our trash, and to make us aware of where our trash goes,